Gawing ehemplo si San Roque, panawagan ng Arsobispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,933 total views

Pinaalalahanan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga mananampalataya na ang tunay na
pagdedebosyon kay San Roque ay hindi natatapos sa panalangin kundi isinasabuhay sa konkretong paglingap sa kapwa,
lalo na sa mga sugatan sa katawan, puso, at kaluluwa.

Ito ang binigyang-diin ng arsobispo sa kanyang homiliya sa bisperas ng kapistahan ni San Roque, kasabay ng pagdiriwang
ng Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary sa San Roque de Manila Parish. Tema ng kapistahan ngayong
taon ang “Pilgrims of Hope” bilang bahagi ng selebrasyon ng buong Simbahang Katolika.

“Ang pagdedebosyon kay San Roque ay paghahanap din sa mga kapwa natin sugatan upang pagalingin, gutom upang
pakainin, uhaw upang bigyan ng maiinom, at nalilito upang bigyan ng pag-asa,” ani Archbishop Villegas.

Pinaalala rin ng arsobispo na ang pag-aakyat ng Mahal na Birheng Maria sa Langit ay paalala na hindi lamang kaluluwa ang
dapat maging banal, kundi pati ang katawan, sapagkat ito ay kaloob ng Diyos na dapat ingatan at igalang.

“Ang katawan natin ay maaaring maging panganib papuntang impyerno; ito rin ay pananagutan. Kung ano ang ginawa
natin sa nauuhaw, nagugutom, nalilito, nasugatan, at maysakit ay siyang daan papuntang langit,” dagdag pa niya.

Binanggit pa ng arsobispo na ang pagiging sugatan o may sariling pinagdaraanan ay hindi dapat maging hadlang sa
malasakit sa kapwa: “Hindi dahilan ang sugat ng buhay upang hindi tayo tumulong at magmahal.”

Kasalukuyang nahaharap ang lipunan sa mga “salot” kabilang ang digmaan, labis na katiwalian at korapsyon na
nagpapalala ng kahirapan, at ang paglaganap ng online gambling na itinituring ng simbahan na salot at lalong mapanganib
dahil bumibiktima maging sa mga kabataan na lantad sa teknolohiya.

Sa kaniyang homiliya, inalala rin ng arsobispo ang buhay ni San Roque na ipinanganak noong 1295 sa Pransya.

Inialay ng santo ang kanyang buhay sa pagtulong at pagpapagaling sa mga biktima ng salot. Nang siya mismo ay
magkasakit, nagtungo sa gubat kung saan isang aso ang nagdala sa kanya ng pagkain hanggang siya ay gumaling. Pumanaw
ang santo noong 1327 at kinilalang patron ng mga may sakit, mahihirap, at dinadapuan ng salot. Ipinagdiriwang ang
kanyang kapistahan tuwing Agosto 16.

Samantala, ang dogma ng Assumption of Mary ay opisyal na ipinahayag ni Pope Pius XII noong November 1, 1950 sa
pamamagitan ng apostolic constitution Munificentissimus Deus. Itinuturo nito na matapos ang kanyang buhay sa mundo,
si Maria ay iniakyat buo—katawan at kaluluwa—sa langit, alinsunod sa matagal nang tradisyon ng Simbahan.
Ipinagdiriwang ito taun-taon tuwing Agosto 15.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang climate disinformation

 12,792 total views

 12,792 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 34,067 total views

 34,067 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 207,557 total views

 207,557 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 228,909 total views

 228,909 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top