Pagyamanin ang sarili na templo ng panginoon, panawagan ng Papal Nuncio sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 704 total views

Pinaalalahanan ng kinatawan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Pilipinas ang mananampalataya na pagyamanin ang sarili bilang templo ng Panginoon.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa pagtalaga ng dambana ng Holy Family Parish sa Gulod Novaliches, Quezon City noong November 5, 2022.

Ipinaliwanag ng arsobispo na ang tunay na simbahan ay ang mananampalatayang nagbubuklod sa pananalangin at pagpupuri sa Panginoon.

“This place that we are gathered here in the Holy Family Parish, this a house, this is a building, we call it a church but what this word church originally referred to? The original meaning and foundation of the Church? It is us, you and I, the temples of God. You and I as baptized Christian is the temple of God,” pahayag ni Archbishop Brown.

Apela ng nuncio sa nasasakupang parokya na patuloy magbuklod bilang pamayanan upang higit na lumago ang pananampalataya at ang simbahan na katuwang ni Hesus sa misyong palaganapin ang Salita ng Diyos sa buong komunidad.

Pinangunahan ni Archbishop Brown ang pagtalaga ng dambana kasabay ng pagdiriwang sa ika – 25 anibersaryo ng pagkatatag ng parokya.

Kasama ng nuncio si Novaliches Bishop Roberto Gaa, mga bisitang pari at kinatawan ng Piarist Fathers – Province of Asia Pacific sa pangunguna ni Fr. Miguel Artola, Sch.P.

Kasalukuyang pinangangasiwaan ni Piarist Fr. Wilmer Samillano ang parokya na sa pagsusumikap at pagtutulungan ng parishioners ay natapos ang pagpapagawa ng simbahan.

Pinasalamatan ni Fr. Samillano ang lahat ng nakiisa at tumulong na maisaayos ang simbahan gayundin ang mga paring naunang naglingkod sa parokya.

Naitatag ang Holy Family Parish noong 1997 sa ilalim ng Archdiocese of Manila na unang pinamahalaan ni Fr. Jose Joel Jason na sinundan ni Fr. Rico Garcia, Fr. Aldrin Lopez, Fr. Jaime Lara, Fr. Alfredo Maglangit, Sch.P., at Fr. Dennis Descallar, Sch.P.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 82,312 total views

 82,312 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 93,316 total views

 93,316 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 101,121 total views

 101,121 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 114,294 total views

 114,294 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 125,643 total views

 125,643 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Paglago ng bokasyon, misyon ng NYD 2025

 12,806 total views

 12,806 total views Umaasa ang Family Ministry ng Archdiocese of Caceres na magbunga ng mas malalim na ugnayan sa pamilya, pananampalataya at bokasyon ang isinasagawang National

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top