Pahalagahan ang totoong impormasyon at mga mamamahayag

SHARE THE TRUTH

 526 total views

Mga Kapanalig, ngayon ay World Press Freedom Day.

Ang tema ng pagdiriwang ng araw na ito ngayong taon ay “Journalism under digital siege”. Binibigyang-diin nito ang mga paraan kung saan nanganganib ang press freedom o malayang pamamahayag katulad ng pag-atake sa mga mamamahayag, gayundin ang kahihinatnan nito sa tiwala ng publiko sa digital communications.

Dito sa Pilipinas, layon ng pagdiriwang ng World Press Freedom Day na ipaalala sa pamahalaang tuparin ang pangako nitong itaguyod ang kalayaan sa pamamahayag. Pagkakataon din ito upang suriin ang lagay ng press freedom sa ating bansa, ipagtanggol ang media mula sa mga pag-atake sa kalayaang maghayag ng katotohananan, at bigyang-pugay ang mga mamamahayag na namatay habang ginaganap nila ang kanilang tungkulin.

Itinuturing ngang bakuna ang malayang pamamahayag sa lumalaganap ngayong disinformation o ang sadya at sistematikong pagpapakalat ng maling impormasyon. Ngunit ayon sa 2021 World Press Freedom Index ng Reporters Without Borders (o RSF), ganap o bahagya itong sinusupil sa 73% ng 180 bansa. Sa listahan ng mga bansa ayon sa kung gaano kalaya ang press freedom sa kanila, pang-136 ang Pilipinas. Sinasabing nasa “difficult situation” ang press freedom sa ating bansa. Ilan sa mga binanggit ng RSF na dahilan ng pangungulelat ng Pilipinas sa listahan ay ang panggigipit sa Rappler at CEO nito na si Maria Ressa, pati na ang pagpapasara sa ABS-CBN na nakaapekto sa pagkakaroon ng mga Pilipino ng mahahalagang impormasyon sa gitna ng pandemya. Tinukoy din nito ang pag-atake at panggigipit ng mga troll armies sa mga mamamahayag, mga cyber-attacks o hacking, at red-tagging.

Mahalaga ang trabahong ginagawa ng mga mamamahayag sapagkat sila ang tagapaghatid ng mga balita at impormasyong kailangan natin sa ating pang-araw-araw na desisyon sa buhay. Gayunpaman, nahaharap pa rin sa matitinding hamon ang mga mamamahayag, gaya ng pananakot sa kanila ng mga rehimeng nais baliktarin, baluktutin, at itago ang katotohanan. Kamakailan lang, na-hack ang mga website na mga nagsasagawa ng fact-checking sa mga pekeng impormasyong kumakalat sa social media. Noong Disyembre ng nakaraang taon lang, isa na namang mamamahayag ang pinatay. Siya ang ika-22 journalist na pinatay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Ang malaláng paglaganap ng fake news, misinformation, at disinformation lalo na sa social media ay resulta ng tahasang pagsupil sa mga organisasyon at mamamahayag na ilantad ang katotohanan. Sa isang mensahe, sinabi noon ni Pope Francis na “Freedom of the press and of expression is an important indicator of the state of a country’s health… One of the first things dictatorships do is remove freedom of the press or mask it, not leaving it free.” Ibig sabihin, mahalagang elemento ng demokrasya ang malayang pag-uulat at pamamahayag.

Sa Catholic social teaching na Pacem in Terris, sinasabing may karapatan ang tao na malayang siyasatin ang katotohanan, makapagsalita, at maglathala, hangga’t mabuti ang layunin nito at kapakanan ng lahat ang tuon nito. May karapatan tayong malaman ang katotohanan tungkol sa mga pampublikong kaganapan. Gaya ng nais ni Hesus sa Juan 8:32, sa pagkakataong kikilalanin at pahahalagahan natin ang katotohanan, ito ang magpapalaya sa atin. Bahagi ng ating pagkatao, dignidad, at karapatan ang malaman ang katotohanan.

Mga Kapanalig, ngayong darating na eleksyon, mas hindi matatawaran ang kahalagahan ng totoong pagbabalita at pagpapahayag dahil ito ang pinagbabasehan ng mga botante sa kanilang pipiliing karapat-dapat na pinuno ng bansa. Pahalagahan natin ang lahat ng mamamahayag na ang tanging layunin ay malayang ipabatid ang mga totoong nagaganap sa ating bansa. Sa panahong sinusupil ang karapatan at kalayaan ng mga mamamayan, at sa mailap na sistemang pangkatarungan, nalalagay sa panganib ang kanilang buhay at para na ring binubusalan ang ating karapatan at demokrasya.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 63,789 total views

 63,789 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 67,768 total views

 67,768 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 78,660 total views

 78,660 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 91,102 total views

 91,102 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 101,863 total views

 101,863 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 63,790 total views

 63,790 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 67,769 total views

 67,769 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 78,661 total views

 78,661 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 91,103 total views

 91,103 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 101,864 total views

 101,864 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,534 total views

 51,534 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alagaan ang mental health ng mga estudyante

 51,079 total views

 51,079 total views Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health? Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition

 53,303 total views

 53,303 total views Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 46,803 total views

 46,803 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Kabataan

 46,154 total views

 46,154 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inequality sa ating Bayan

 52,022 total views

 52,022 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Katutubo

 55,768 total views

 55,768 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 61,718 total views

 61,718 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 41,905 total views

 41,905 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 53,024 total views

 53,024 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top