Paigtingin ang pananalangin ng santo rosary, paanyaya ng simbahan sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,992 total reads

Hinimok ng pamunuan ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Fatima sa Urduja, Caloocan City ang mamamayan na paigtingin ang pananalangin lalo ng Santo Rosaryo.

Ayon kay Shrine Rector at Parish Priest Fr. Aristeo De Leon, sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo mahalagang maisabuhay ang panawagan ng Mahal na Ina nang magpakita ito sa tatlong bata sa Fatima Portugal noong 1917 kung saan hiniling ang pananalangin ng rosaryo at pagpapanibago ng puso tungo sa kapayapaan.

“Napakahalaga na isabuhay natin ang mensahe ng ating Mahal na Birhen ng Fatima sapagkat ito’y napapanahon, kapayapaan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, kapayapaan sa puso ng bawat isa, kapayapaan sa bawat pamilya. Ipalaganap ang pagdarasal lalo na ng santo rosaryo at pagsakripisyo para sa ikapagbabalik loob ng mga kasalanan at para sa kapayapaan ng buong daigdig,” pahayag ni Fr. De Leon sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng pari na bilang dambanang nakatalaga sa Mahal na Birhen ng Fatima ay buhay na buhay ang misyon ng Mahal na Ina sa komunidad.

Tampok na gawain sa kapistahan ang paggawad ng Sakramento ng Kumpil sa 70 indibidwal na ayon kay Fr. De Leon isang hakbang tungo sa pagpapalago ng pananampalataya ng tao.

“Ito ay isang paraan din para palalimin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng Sakramento ng Kumpil, ng Eukaristiya at ng iba pang sakramento,” ani Fr. De Leon.

Pinangunahan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang paggawad ng sakramento ng kumpil kung saan hamon nito sa mga magulang, ninong, at ninang na pagtibayin ang pananampalataya sa Diyos at ipamana sa mga kabataan.

Ayon kay Bishop Gaa mahalagang mahubog at matibay ang pananampalataya ng mga magulang, ninong at ninang upang magabayan ang mga bata tungo sa landas ni Hesus.

Sinabi ng opisyal na marapat maunawaan ng mamamayan ang diwa ng pananampalataya kasabay ang paanyayang maging aktibong bahagi sa kristiyanong pamayanan sa pamamagitan ng pagdalo sa mga Banal na Misa lalo tuwing Linggo at Pista ng Pangilin.

Tinuran ni Bishop Gaa na sa Banal na Misa ay patuloy na sinasariwa ng mananampalataya ang grasyang tinanatanggap sa binyag at kumpil gayundin ang pakikiisa sa misyon ni Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 45,467 total reads

 45,467 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 130,832 total reads

 130,832 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 177,568 total reads

 177,568 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 225,440 total reads

 225,440 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 327,286 total reads

 327,286 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top