Polisiya sa pagtanggap sa dayuhang estudyante, pinahihigpitan ng isang mambabatas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,180 total reads

Iginiit ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro na dapat higpitan ng pamahalaan ang mga polisiya sa pagtanggap ng mga dayuhang estudyante sa bansa.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipina, sinabi ni Castro na dapat suriing mabuti ang mga dokumentong isinusumite ng mga dayuhang pumapasok sa Pilipinas upang matiyak ang kanilang dahilan sa pananatili sa bansa.

Ito ang pahayag ng mambabatas hinggil sa mahigit 16-libong Chinese students sa iba’t ibang unibersidad sa Northern Luzon.

“Sana ma-check po ito ng Bureau of Immigration, reviewhin ang mga batas hinggil sa pagpasok ng mga foreign students at dapat magkaroon ng additional guidelines kaugnay doon sa pagpasok ng mga student dito sa ating bansa,” ayon kay Castro sa panayam ng Radio Veritas.

Nilinaw ni Castro na kung lehetimong estudyante o turista ay hindi ito tutol sa pagpasok hindi lamang ng mga Chinese kundi maging sa iba pang mga dayuhang nais pumasyal o mag-aral sa Pilipinas.

Sang-ayon din ang mambabatas na ma-repeal ang Executive Order (EO) No. 285 ni dating Pangulong Joseph Estrada kung saan pinahihintulutan ang Bureau of Immigration na mag-convert ng tourist visa at gawing student visa na layong isulong ang Pilipinas bilang center for education sa Asia Pacific Region.

Nababahala si Castro na maaring naabuso ang nasabing polisiya at ginamit na paraan ng ilang Chinese invididuals na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO na nakitaan ng mga paglabag sa batas kasabay ng pagdami ng krimen.

Apela ng mambabatas sa pamahalaan lalo na sa kinauukulang ahensya tulad ng BI na higpitan ang pagpatupad ng batas gayundin sa Philippine National Police na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga Pilipino.

Pinuna rin ng mambabatas ang isinagawang Balikatan Exercises sa pagitan ng Filipino security forces katuwang ang mga sundalo ng Amerika, France at Australia na maaring magdudulot ng kaguluhan lalo na sa pinag-agawang teritoryo sa West Philippine Sea.

“Gusto nating magkaroon tayo ng independent foreign policy at itong teritoryo natin ay hindi magamit sa war zone dahil madadamay tayo sa giyera ng US at China,” ani Castro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 78,690 total reads

 78,690 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 173,344 total reads

 173,344 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 217,612 total reads

 217,612 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 240,721 total reads

 240,721 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 312,294 total reads

 312,294 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top