Pakanin nagugutom, huwag pakialaman nagluluto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 636 total reads

Isang katatawanan na hindi malilimutan
sa taong 2021 nang pagdiskitahan ng ilan
pagkain ng bayan
patunay na marami sa pamunuan
hindi ramdam pintig ng mamayan
lalo na ang kalam ng tiyan.
Unang katatawanan 
bunsod ng kayabangan nang 
paratangan na ang lugaw 
ay non-essential
pagkaing hindi mahalaga
kaya buong bayan nag-alma.
Heto na naman
mga henyo sa kalakalan
ibig nama'y magtakda ng batayan
sa pagluluto ng mga paboritong ulam ng bayan;
ngunit anumang paliwanag
kanilang sabihin
walang kabuluhang pakinggan
mga pinag-iisip nila'y walang katuturan
patunay lamang na manhid at mga payaso
 mga tao ngayon sa gobyernong ito.
Maari bang itakda ninuman
mga sangkap na ibig malasap,
sarap at linamnam na ibig namnamin
ng bawat kumakain?
Alalahaning hindi lamang laman ng tiyan
ang pagkain kung ating susuriin
inihahain pa nga lang, lasap na natin
diwa at katauhan nagigising
ng maraming alaala at kuwento
ng pagkaing bumusog sa atin.
Suriin bawat kalinangan
nasasalamin sa lutuin at pagkain
dahil doon sa mesa nagsisimula
 lahat ng ating kapatiran at kaisahan:
walang kumakain kasama ang kaaway,
ano mang kasunduan ay may handaang kasabay,
higit sa lahat, sa pagdulog sa hapag
doon nagaganap tunay na pagdadaop-palad
dahil sa tuwing tayo ay mayroong piging,
sarili ang ibinabahagi natin sa anyo ng pagkain at inumin.
Maging ang Panginoong Hesus natin
pinili ay pagkain at piging
upang gamitin tanda ng kapanatilihan
niya sa atin:  kanyang itinatag 
hapag ng Eukaristiya
doon sa mesa ng Banal na Misa.
Tangi niyang tagubilin
tinapay na walang lebadura gagamitin
sa bawat pagdiriwang ng piging
kung saan pinapaging-ganap natin
pagmamahal niya sa atin
nang ihandog sarili bilang ating pagkain.
Kaya, huwag nang pag-isipan
ng mga nagmamagaling
paano lutuin mga paboritong pagkain
bagkus kanilang isipin
paano mapapakain
mga nagugutom na kapatid natin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 3,538 total reads

 3,538 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 43,128 total reads

 43,128 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 78,646 total reads

 78,646 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 304,916 total reads

 304,916 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 198,162 total reads

 198,162 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

It might be you?

 10,010 total reads

 10,010 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 12 October

Read More »

Bewitched

 14,636 total reads

 14,636 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Twenty-Seventh Week in Ordinary Time, Year II, 08 October

Read More »
Scroll to Top