Smart City reclamation project, binatikos ng Diocese of Dumaguete

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 786 total reads

Kinondena ng Diyosesis ng Dumaguete ang binabalak na 174-hectare na Dumaguete Reclamation Extension Project o Smart City na napagkasunduan sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng lungsod at kumpanyang E.M. Cuerpo, Inc.

Ayon sa liham ng Diyosesis para kay Architect Celerino Cuerpo, ang may-ari ng kumpanyang katuwang ng lokal na pamahalaan sa proyekto, bagamat ito’y makatutulong para sa pag-unlad ng lungsod, naniniwala ang lokal na simbahan na ang proyekto ay magdudulot ng matinding pinsala lalo’t higit sa kalikasan, maging sa buhay ng mga naninirahan sa mga lokal na komunidad.

“While we acknowledge the intention of the Local Government of Dumaguete City to promote economic, social and political development, we strongly believe that massive projects like the [Dumaguete Reclamation Extension Project – Smart City] must also consider the scientific and environmental implications, not to mention its impacts on the cultural and moral life of the people on the local community,” bahagi ng pahayag ng Diyosesis.

Nakasaad din sa liham na nagkaroon ng pagpupulong noong Marso 24, 2021 sa pangunguna ng Diyosesis at dinaluhan ng iba’t ibang kinatawan ng ahensya ng pamahalaan at mga organisasyon, kung saan tinalakay ang iba’t ibang saloobin hinggil sa nasabing proyekto.

Dito’y binigyang diin ng mga eksperto sa kalikasan na maaaring magdulot ng matinding panganib at pinsala ang reclamation project sa yamang-tubig, lalo na sa kabuhayan at kaligtasan ng mga lokal na residente ng Dumaguete City.

“… Our invited scientists pointed out the overwhelming environmental threats and damages which the reclamation may cause particularly to the diverse marine life as well as to the local communities in Dumaguete City,” ayon sa pahayag.

Ninanais naman ng Diyosesis na magsagawa ng ‘open public forum’ upang muling talakayin ang binabalak na proyekto, nang sa gayon ay maipahayag ng mamamayan at iba pang institusyon ang kanilang mga saloobin upang maitaguyod ang malinaw at maayos na dayalogo para sa lahat.

Kabilang sa mga lumagda sa liham sina Dumaguete Bishop Julito Cortes; Vicar General Msgr. Glenn Corsiga; Diocesan Chancellor Fr. Gonzalo Omison II; at Episcopal Vicar for Dumaguete City Parishes Msgr. Robert Bongoyan, HP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 1,862 total reads

 1,862 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 41,452 total reads

 41,452 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 77,054 total reads

 77,054 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 303,324 total reads

 303,324 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 196,679 total reads

 196,679 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 151,924 total reads

 151,924 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top