Ika-20 ng Hulyo, idineklarang Day of Prayer and Fasting for Deliverance ng Diocese of Borongan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 569 total views

Idineklara ng Diocese of Borongan ang ika-20 ng Hulyo, 2021 bilang Diocesan Day of Prayer and Fasting for Deliverance from the COVID-19 Pandemic.

Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez, sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 partikular na sa probinsya ay higit na dapat manalangin at manalig ang bawat isa sa pangakong kaligtasan ng Panginoon.

“Our current situation now – when many lives have been lost and many continue to suffer because of the Covid-19 pandemic – calls us as a Church to express our faith more earnestly through ardent prayers and sacrifice. The rise of the Covid-19 cases recently in our province is very alarming.” Ang bahagi ng anunsyo ni Bishop Varquez.

Sinabi ng Obispo na mahalaga ang pakikibahagi ng bawat Katoliko sa buong diyosesis sa ika-20 ng Hulyo na idineklara bilang “Adlaw hin Pag-ampo ug Pagpuasa”.

Inaanyayahan ang bawat isa na sama-samang mag-alay ng panalangin at mag-ayuno upang higit na maipaabot sa Panginoon ang pagsusumamo na mawakasan na ang COVID-19 pandemic.

Bukod sa pagsasagawa ng simultaneous Holy Hour at Holy Mass sa lahat ng mga parokya sa buong diyosesis, pangungunahan rin ni Bishop Varquez ang Penitential Walk ng mga Pari sa Borongan at pagdarasal ng Santo Rosaryo mula Borongan Cathedral hanggang sa Chaplaincy of Our Lady of the Miraculous Medal sa Sabang, Borongan.

“I, therefore, declare July 20, 2021 as “Adlaw hin Pag-ampo ug Pagpuasa.” I admonish all Catholics in our diocese to offer this day for prayer and fasting. Let us ask God for deliverance from this pandemic. In the whole diocese, let there be simultaneous celebrations of the Holy Hour and Holy Mass. Meanwhile, together with some priests in Borongan, I will hold a Penitential Walk and Recitation of the Holy Rosary from the Borongan Cathedral to the Chaplaincy of Our Lady of the Miraculous Medal in Sabang, Borongan.” Dagdag pa ni Bishop Varquez.

Pagbabahagi ng Obispo, bukod sa pananalangin para sa kaligtasan ng lahat at tuluyang mawakasan ang pandemya ay mahalaga rin ang pag-aayuno bilang pakikibahagi sa lahat ng mga nawalan ng mahal sa buhay at nagdurusa dahil sa malawak na krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

“Our fasting from food will be our expression of solidarity with those who lost their loved ones and those who continue to suffer due to the disease and the quarantine restrictions. It will also be our expression of prayer for the safety of all our frontliners.” Ayon pa kay Bishop Varquez.

Umaasa rin ang Obispo na makatulong ang nakatakdang Diocesan Day of Prayer and Fasting for Deliverance from the COVID-19 Pandemic sa diyosesis upang magkaroon ng pag-asa at lakas ng loob ang bawat isa na harapin ang krisis.

Matatandang una ng nagsagawa ng Day of Prayer, Fasting and Penitential Service ang Archdiocese of Manila noong June 1, 2021 bilang patuloy na paghingi ng gabay sa Panginoon mula sa iba’t ibang hamong kinakaharap ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 92,339 total views

 92,339 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 122,562 total views

 122,562 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 149,211 total views

 149,211 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 244,184 total views

 244,184 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 259,145 total views

 259,145 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top