Stella Maris, pinuri ang mga mambabatas sa pagpasa sa Magna Carta of the Filipino Seafarers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,060 total reads

Binigyang diin ng Stella Maris-Philippines na naaangkop lamang na tutukan at bigyang halaga ng pamahalaan ang kapakanan at karapatan ng mga Filipino Seafarers.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – CBCP Bishop Promoter ng Stella Maris-Philippines, kasunod ng pag-apruba ng mga mambabatas sa Magna Carta of the Filipino Seafarers bill.

Paliwanag ng Obispo, naaangkop lamang na tutukan at bigyang halaga ang kapakanan at karapatan ng mga Filipino Seafarers na nagtatrabaho sa iba’t ibang bahagi ng daigdig hindi lamang dahil sa kanilang malaking ambag para sa ekonomiya ng bansa kundi bilang pagpapahalaga sa bawat manggagawang Pilipino .

“Our Seafarers are valuable not only because they are essential workers domestically but their services are important contributors to the global economy. It is imperative that we become diligent in safeguarding their well being by protecting their rights and ensuring their welfare.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.

Ayon kay Bishop Santos, malaki ang maitutulong at benipisyo para sa mga Pilipinong mandaragat at kanilang mga pamilya sakaling tuluyan ng lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasabing panukalang batas.

“We, at Stella Maris-Philippines, would like to express our profound gratitude for the uncontested approval of the Magna Carta of the Filipino Seafarers bill. This will pave the way for passing it into law once President Ferdinand Marcos Jr., who certified the enactment of its proposal as urgent, signs it. God is good! We give Him praise and thanks for this tremendous blessing to our dear Seafarers and their families.” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Nakapaloob sa naturang Magna Carta of Filipino Seafarers ang pagtiyak ng kapakanan at pagtukoy sa mga karapatan ng mga Filipino seafarer kabilang na ang reintegration program, grievance system, at social welfare benefits ng mga mandaragat.

Layunin din ng Magna Carta of Filipino Seafarers na kilalanin ang mga karapatan, kontribusyon at natatanging papel ng mga marino o mandaragat sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Batay sa tala ng Maritime Industry Authority (MARINA) mula 2016 hanggang 2021, ang bansa ay nagdi-deploy ng mahigit 400,000 Filipino seafarers sa ibayong dagat.

Sa bahagi ng Stella Maris Philippines, may 14 na chaplains ang aktibong naglilingkod sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa na may misyong tugunan at magsilbing gabay sa buhay espiritwal hindi lamang ng mga Pilipinong mandaragat kundi maging ng kanilang mga naiwang kapamilya sa Pilipinas.

 

COMELEC, Tatalima sa Batas

 42,220 total reads

 42,220 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 38,681 total reads

 38,681 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 73,267 total reads

 73,267 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 175,087 total reads

 175,087 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 215,649 total reads

 215,649 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 234,654 total reads

 234,654 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 42,222 total reads

 42,222 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top