Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 4,805 total views

IBIG KO PO SANANG MAKAKITA

Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, a-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52

Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad.

Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa wikang Kapampangan ang makinig ay MAKIRAMDAM. Siguro, ibig sabihin, para sa amin, hindi sapat ang makinig sa pamamagitan lang ng tainga. Kailangang MAKIRAMDAM, para marinig pati iyong hindi sinasabi na ibig ipahayag ng tao. Kaya nga mayroon tayong salitang PAKIRAMDAMAN.
Nangyari ang engkwentro sa pagitan ni Bartimeo at ng Panginoong Hesukristo dahil pareho silang mahusay sa PAKIRAMDAMAN. Tingnan muna natin si Bartimeo, ang bulag na pulubi.
Dati rati, ang tawag sa mga taong may kapansanan ay HANDICAPPED O DISABLED. Ngayon, ang tawag sa kanila sa English ay PWD—“persons with disability” (mga taong may kapansanan). Magandang ipaalala sa atin na hindi dapat kalimutan na mga tao sila. Mayroon man silang kapansanan pero meron din naman silang ibang mga kakayahan o ABILIDAD. Hindi tama na i-reduce ang pagkatao nila sa kapansanan nila: sa pagiging bulag, pipi, bingi, etc. Hindi ba totoo na pag may kapansanan ang tao, mas lalong tumitindi ang iba niyang mga pandama?

Sa kuwento ng eanghelyo, nag-ingay daw si Bartimeo nang malaman niyang dumadaan si Hesus. Paano niya nalaman? Kahit di niya nakikita, naririnig niya. Pilit daw siyang pinatatahimik ng mga tao, pero mas lalo siyang nag-ingay para makatawag pansin, at nagtagumpay siya. Alam niyang tulungan ang sarili niya. Maabilidad din siya. At nang ipatawag siya, mabilis siyang nakalapit kay Hesus nang walang tumutulong sa kanya. Paano niya nagawa iyon, gayong bulag siya? Palagay ko, bukod sa pakikinig, ginamit din niya ang pang-amoy at pangangapa.

Kapag pursigido talaga ang tao sa ninanais niyang gawin, walang sagabal o hadlang para sa kanya. Magpupumilit siya na makamit ang ninanais niya. Kaya siguro tinanong muna ni Hesus sa pulubi, “Ano ang ibig mong gawin ko para sa iyo?” Malay mo nga naman, baka konting limos na barya lang ang hinihingi niya. Pero ano ang isinagot ng pulubi: “Gusto ko sana pong makakita!” Minsan may mga dukha maririnig mo sila, “Gusto kong makapag-aral, maging titser, maging duktor, maging pari….” Sa kalooban talaga natin, doon nagsisimula ang maraming mga bagay na pwedeng mangyari sa buhay natin, kapag ginusto o hinangad natin.

Sa loob din natin binubuo, hindi lang ang gusto nating mangyari kundi pati na rin ang dahilan, o layunin kung bakit iyon ang ibig nating mangyari. Kahapon sa ebanghelyo pareho rin ang tinanong ni Hesus kina Santiago at Juan nang lumapit ang dalawang alagad sa kanya: “Ano ang ibig ninyong gawin ko para sa inyo?” Pero matapos na maipahayag nila ang hiling nila, ang sagot ni Hesus ay: “Hindi ninyo alam ang hinihiling ninyo.” Posisyon ng kapangyarihan ang hiling nila; pero para saan? Ito ang hamon ni Hesus: “Gusto ninyong tularan ang mga naghahari-harian sa mundong ito? Ano ang kinalaman nito sa pagiging alagad?”

Ayon sa ebanghelyo: nang makakita si Bartimeo, imbes na umuwi, sumunod siya kay Hesus sa lakad nito. Naging alagad siya ni Hesus. Ibig sabihin hindi lang niya nakita si Hesus; nakita rin niya kay Hesus ang kanyang Kristo, ang kanyang tagapagligtas, kaya mula noon nakasama na siya ng mga alagad na kasamang nakilakbay kay Hesus.

Ngayon, pansinin naman natin ang PAKIKIRAMDAM ni Hesus mismo. Ito ang malaking pagkakaiba niya sa mga guro sa kapanahunan niya. Babad siya sa kalagayan ng mga tao sa paligi niya. Hindi siya isang taong malayo at tagapanood lang. Mahusay siya sa pakiramdaman. Alam niya ang pinagdaraanan ng mga taong nagdurusa na katulad ni Bartimeo.

Di ba ganyan din ang nangyari nang magpakilala ang Diyos kay Moises? Sinabi daw ng Diyos, “Nakita ko ang pagdurusa ng aking bayan. Naririnig ko ang kanilang mga hinaing. Alam ko ang kanilang mga pinagdaraanan. Kaya bumaba ako para iligtas sila.”Tama ang sabi ng Salmo, “THE LORD HEARS THE CRY OF THE POOR.” Rinig ng Diyos ang panaghoy ng mga dukha.

Ganoon din si Hesus. Kaya narinig niya ang pulubi kahit pinatatahimik siya ng mga alagad. Napapansin niya ang hindi napapansin ng iba: katulad din ng babaeng naaagasan ng dugo, o ni Zaqueong nasa ibabaw ng puno ng sikomoro, na hinintuan niya at tiningala. O ang babaeng balo na naghulog ng barya sa templo. Mga taong hindi pinapansin sa lipunan. Mga tinig na hindi naririnig. Bakit si Hesus napapansin niya sila? DAHIL MAHUSAY SIYA SA PAKIRAMDAMAN. Husay na nanggagaling din sa marubdob na hangarin, sa kagustuhang magligtas, makilakbay, maglingkod, magpagaling, magbigay-buhay. May ibang salita para dito: MALASAKIT. Ang taong may malasakit, malakas sa PAKIRAMDAMAN.

Hindi totoo na mas mabilis tayong aabot sa ating dapat patunguhan kung mag-uunahan tayo. Ang kaharian ng Diyos ay mas mabilis nating mararating kung matutuhan natin ang sama-samang pakikilakbay. Hindi ito mangyayari kung hindi natin matutuhan ang mabuting pakikiramdam sa isa’t isa, sa bawat kalakbay dito sa mundong ibabaw.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 5,750 total views

 5,750 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 36,889 total views

 36,889 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 42,476 total views

 42,476 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 47,992 total views

 47,992 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 59,113 total views

 59,113 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 4,849 total views

 4,849 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 6,979 total views

 6,979 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 6,978 total views

 6,978 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 6,980 total views

 6,980 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 6,976 total views

 6,976 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 7,847 total views

 7,847 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 10,049 total views

 10,049 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 10,082 total views

 10,082 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 11,436 total views

 11,436 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 12,533 total views

 12,533 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 16,744 total views

 16,744 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 12,463 total views

 12,463 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 13,832 total views

 13,832 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 14,093 total views

 14,093 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 22,786 total views

 22,786 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top