Kapangyarihang ipinagkatiwala ng taumbayan, hindi lisensiya para magpayaman sa pondo ng bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 51,578 total reads

Binigyang-diin ng isang obispo na ang kapangyarihang ipinagkatiwala ng taumbayan sa mga halal na opisyal ay hindi pribilehiyo para sa pansariling interes kundi isang malaking pananagutan sa kapwa.

Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos, dapat tiyakin ng mga halal na opisyal na tunay nilang unahin ang kapakanan at dignidad ng mga ordinaryong Pilipino.

Sa kanyang pastoral reflection na “Kamusta ka na, Bayan Ko?”, sinabi ng obispo na dapat pakinggan ng mga namumuno ang hinaing ng mga mamamayang nakararanas ng pagod, pakiramdam na napapabayaan at paulit-ulit na umaasa sa pansamantalang ayuda.

“Power is not a privilege for oneself. It is a responsibility for others. A position is not a crown. It is a cross. The duty of a leader is not to be served, but to serve,” ayon kay Bishop Santos.

Aniya, hindi dapat maramdaman ng isang ordinaryong mamamayan na mahalaga lamang siya kapag kailangan ang kanyang boto o kapag may pangangailangan ang mga institusyon sa kanyang serbisyo.

“A poor person should not matter only when his vote is needed. A worker should not be remembered only when his labor is needed. A citizen should not be heard only when he complains,” giit ng obispo.

Sinabi ni Bishop Santos na ang pakikinig sa mga mamamayan ay mahalagang bahagi ng tunay na paglilingkod sa lipunan, lalo na sa harap ng mga suliraning kinakaharap ng mga pamilya sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Binigyang-diin ng pastol na hindi sapat ang mga panandaliang tugon sa mga suliraning kinakaharap ng mga Pilipino, kundi kinakailangan ang mga solusyong tumutugon sa ugat ng kahirapan at kawalan ng oportunidad.

“This is the challenge of genuine public service: Not only to respond to today’s needs, but to build a future where people no longer have to ask for help again and again,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Iginiit ni Bishop Santos na dapat magbunga ang tulong sa pagbibigay-kakayahan sa mga mamamayan na mamuhay nang marangal at hindi umaasa sa mga ayuda.

“The true goal of helping is not to make people permanently dependent on help. The true goal is to empower people so they can stand on their own,” aniya.

Binigyang-diin pa ng obispo na ang bansa ay nangangailangan ng mga lider na hindi lamang nagsasalita para sa bayan kundi marunong ding makinig sa bayan upang magkaroon ng wastong tugon sa mga suliraning kinakaharap ng bawat Pilipino.

Apela ni Bishop Santos sa mga mamamayan na harapin ang mga hamon ng bansa hindi sa pamamagitan ng galit at pagkakahati-hati, kundi sa pamamagitan ng katotohanan, katarungan, malasakit, at pananagutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 19,436 total reads

 19,436 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 100,699 total reads

 100,699 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 134,148 total reads

 134,148 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 169,446 total reads

 169,446 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 395,344 total reads

 395,344 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top