Kilalanin ang mukha ni Hesus sa mga taong dukha, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,656 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na kilalanin ang mukha ni Hesukristo sa mga taong nakakasalamuha sa araw-araw lalo na sa mga nahihirapan at mahihinang sektor ng lipunan.

Ito ang mensahe ng kardinal sa kanyang homiliya sa pagbubukas ng exhibit ng Holy Shroud of Turin sa Manila Cathedral ngayong October 2.
Binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang debosyon sa Holy Face ay dapat humantong sa kongkretong pagkilos, pagkakawanggawa at pagkalinga sa mga nangangailangan.

“The Holy Face of Jesus is not a static painting. It is not a historical relic locked away safely inside the Holy Face of Jesus Museum in Quiapo. If you want to see the Holy Face alive today, you must look at the suffering faces of our society,” ayon kay Cardinal Advincula.

Kabilang sa tinukoy ng kardinal ang mga manggagawang nagsusumikap araw-araw para sa pamilya subalit nahaharap sa mahihirap na sitwasyon dahil sa kasalukuyang kalagayan ng mga pampublikong transportasyon sa bansa.

Gayundin ang mga matatandang pinababayaan ng kanilang pamilya, at mga batang nagugutom at walang nag-aaruga at palaboy sa mga lansangan.
Hinamon din ng Kardinal ang Missionary Sisters of the Holy Face of Jesus na ipagpatuloy ang kanilang misyon ng “reparative love.”

“My dear Holy Face Sisters, your mission of reparative love is to make those suffering faces smile again. Where the world rejects God, you must bring the warmth of His countenance,” ayon sa kardinal.

Samantala, sinabi ni Sr. Claudine Lawrice Esguerra, MSHFJ, coordinator ng Holy Face of Jesus Devotion Propagation, na layunin ng exhibit na ipadama sa mga peregrino ang tunay na diwa ng presensya at pag-ibig ng Diyos at mahikayat na higit itong ipadama sa kapwa.

“So I hope that when people visit, they would feel God’s presence, feel God’s love, and be enabled to love others and love God,” pahayag ni Sr. Esguerra sa Radyo Veritas.

Kasabay ng exhibit ang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng unang pagpapakita ng Shroud of Turin sa Pilipinas noong 1976.

Tampok sa exhibit ang mga replica ng Holy Shroud of Turin, isang three-dimensional image ng taong nasa Shroud, Passion relics, at iba pang larawan at relikya na kaugnay ng debosyon sa Banal na Mukha ni Hesus.

Bukas sa publiko ang exhibit mula October 3 hanggang 16, alas-siyete ng umaga hanggang alas-sais ng gabi sa Manila Cathedral, St. Jude at Blessed Souls Chapel.

Sa huli, hinimok ni Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na gawing konkretong buhay ang kanilang debosyon.

“Maging mukha tayo ni Hesus para sa isa’t isa. Be the face of God to a broken world,” giit ni Cardinal Advincula.

Kasama ni Cardinal Advincula sa banal na pagdiriwang at pagpasinaya sa exhibit sina Bishops Ruperto Santos, Renator Mayugba, Bernardino Cortez, Buenaventura Famadico, at Honesto Ongtioco.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 23,448 total reads

 23,448 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 60,000 total reads

 60,000 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 286,270 total reads

 286,270 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 179,737 total reads

 179,737 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 272,521 total reads

 272,521 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top