Diocese of Tarlac, pangungunahan ang “One Million Children Praying the Rosary”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,941 total reads

Inaanyayahan ang mga paaralan, parokya at komunidad sa buong Pilipinas na makiisa sa “One Million Children Praying the Rosary” ngayong Oktubre 7, 2026, Kapistahan ng Our Lady of the Holy Rosary.

Ipinagdiriwang ngayong taon ang ika-21 anibersaryo ng pandaigdigang prayer campaign na inilulunsad ng pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need (ACN) upang pag-isahin ang mga bata sa pananalangin ng Santo Rosaryo para sa kapayapaan sa mundo.

Isasagawa ang pangunahing pagdiriwang ngayong taon sa pangunguna ng San Sebastian Cathedral School of Tarlac, Inc. sa Diocese of Tarlac mula alas-8 ng umaga hanggang alas-11:30 ng umaga.

Sa paanyaya nina ACN Philippines National Director Maximillan Ventura at ACN Ecclesiastical Assistant Rev. Fr. Reynaldo V. Romero, hinihikayat ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa Pilipinas ang mga paaralan at faith communities na tipunin ang mga bata, guro at iba pang miyembro ng komunidad upang sama-samang manalangin, maging sa mga silid-aralan, kapilya o kani-kanilang tahanan.

“This year, we celebrate the 21st anniversary of ‘A Million Children Praying the Rosary,’ a worldwide prayer movement uniting children across the globe in invoking peace through the simple yet powerful prayer of the Rosary.” paanyaya ng ACN-Philippines.
Ayon sa ACN-Philippines, ang kampanya ay hango rin sa pananalita ni Saint Padre Pio na “When a million children pray the Rosary, then the world will change.”

Maaaring makiisa ang mga parokya, paaralan at komunidad sa pamamagitan ng pagpaparehistro, pagtitipon sa pananalangin at pagsubaybay sa live broadcast ng pagdiriwang sa mga opisyal na online pages ng ACN Philippines at Diocese of Tarlac, habang maaari ring sumali sa pamamagitan ng Zoom ang mga komunidad na nais maitampok sa live feed.

Hinihikayat din ang mga kalahok na magbahagi ng larawan o maiikling video ng kanilang pakikilahok upang maging bahagi ng pandaigdigang panalangin.

“May our children, with their pure hearts and childlike faith, truly become little pilgrims of hope, bringing peace and light to our families, our Church, and our world.” Dagdag pa ng ACN-Philippines.

Sa pamamagitan ng Santo Rosaryo, inaanyayahan ang mga bata na maging mga munting saksi ng pananampalataya at mga tagapagdala ng panalangin para sa kapayapaan sa kanilang pamilya, Simbahan at buong mundo.

Ang One Million Children Praying the Rosary ay gaganapin sa Oktubre 7, 2026, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-11:30 ng umaga, sa pangunguna ng Diocese of Tarlac.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 21,964 total reads

 21,964 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 103,106 total reads

 103,106 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 136,555 total reads

 136,555 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 171,853 total reads

 171,853 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 397,648 total reads

 397,648 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top