Pagtatag ng mental health ministry sa buong simbahan, prayer intention ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,342 total reads

Inilaan ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ang kanyang prayer intention ngayong buwan ng Oktubre para sa pagtatatag ng mental health ministry sa buong Simbahan, upang makatulong sa pagtugon sa stigma at diskriminasyon na nararanasan ng mga taong may karamdaman sa pag-iisip.

Sa kanyang October Prayer Intention, hinihikayat ng Santo Papa ang mga mananampalataya na ipanalangin ang pagkakaroon sa mga pamayanang Katoliko ng mga ministeryo para sa mental health, bilang konkretong paraan ng pagbibigay ng suporta, pag-unawa at malasakit sa mga taong dumaranas ng mga hamon sa kanilang kalusugang pangkaisipan.

“For mental health ministry: Let us pray that the mental health ministry be established throughout the Church, helping to overcome the stigma and discrimination of persons with mental illnesses.” Panalangin ng Santo Papa para sa buwan ng Oktubre.

Sa pamamagitan ng prayer intention ng Santo Papa ngayong Oktubre ay binibigyang-diin ni Pope Leo XIV ang kahalagahan ng pagbuo ng isang Simbahang mas bukas at handang tumanggap sa mga taong may mental illnesses, sa halip na husgahan, iwasan o ituring na iba
dahil sa kanilang pinagdaraanan.

Naniniwala rin ang Santo Papa na mahalaga ang pagtataguyod ng mental health ministry upang magkaroon ng mga espasyo sa loob ng Simbahan kung saan maaaring makinig, makipag-ugnayan at magbigay ng pastoral na suporta sa mga taong nangangailangan.

Mahalaga rin ayon kay Pope Leo XIV ang pakikipagtulungan ng mga pamilya at mga propesyunal sa kalusugan upang matugunan nang maayos ang pangangailangan ng mga taong nakararanas ng mental health concerns.

Una ng binigyang diin ng Santo Papa na walang sinuman ang dapat makaranas ng diskriminasyon dahil sa kanilang kalagayan sa kalusugang pangkaisipan, kung saan kinakailangang manaig ang paggalang sa dignidad ng bawat tao at ang pagkalinga sa mga higit na nangangailangan ng suporta at pag-unawa.

Sa Pilipinas una ng nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na wakasan ang stigma sa usapin ng mental health, kasabay ng paglilinaw na ang paghingi ng medikal o sikolohikal na tulong ay hindi kakulangan sa pananampalataya.

Sa liham-pastoral na inilabas noong July 13, 2026 ng kalipunan ng mga Obispo sa Pilipinas sa pangunguna ni CBCP President at Lipa Archbishop Gilbert Garcera na may titulong “Come to Me, All You Who Labor and Are Burdened: A Pastoral Letter on Mental Health, Compassion, and Hope,” ay kinilala ng CBCP na dumarami ang mga Pilipinong dumaranas ng anxiety, depression, addiction, kalungkutan, matinding pagdadalamhati, at iba pang suliraning pangkaisipan dulot ng iba’t ibang hamon sa buhay.

“Many among us carry unseen burdens… Many suffer in silence, afraid of being judged, misunderstood, or rejected. There are those who begin to believe their lives no longer matter,” Bahagi ng liham pastoral ng CBCP.

Hinikayat din ng CBCP ang mga nakararanas ng mental health challenges na huwag matakot humingi ng tulong sa mga propesyonal.

“Seeking medical or psychological help is not a lack of faith. God’s healing often comes through the dedicated service of doctors, psychologists, counselors, and other caregivers,” Ayon sa Kalipunan ng mga Obispo sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng prayer intention para sa buwan ng Oktubre ay hinihikayat ni Pope Leo XIV ang buong Simbahan na maging komunidad kung saan walang naiiwan at kung saan ang mga taong may karamdaman sa pag-iisip ay hindi lamang tinatanggap kundi sinasamahan nang may malasakit, paggalang at pagmamahal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 108,811 total reads

 108,811 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 149,373 total reads

 149,373 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 170,488 total reads

 170,488 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 218,755 total reads

 218,755 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 236,606 total reads

 236,606 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top