Pagsusulong ng kapayapaan at katarungang panlipunan, iniwang legacy ni Fr. Picardal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,392 total views

Pumanaw na sa edad na 69 na taong gulang ang kilalang peace advocate na si Redemptorist Fr. Amado “Picx” Picardal, CSsR.

Ayon kay Rev. Fr. Edilberto Cepe, C.Ss.R.- provincial superior ng Redemptorist Province of Cebu, namayapa si Fr. Picardal kasabay ng ika-47 anibersaryo ng kanyang religious profession noong ika-29 ng Mayo, 2024 bagamat hindi na idinetalye pa ng kongregasyon ang iba pang impormasyon.

Binigyang pagkilala naman ni Fr. Cepe at ng Redemptorist Province of Cebu ang paninindigan ni Fr. Picardal sa pagsusulong ng kanyang adbokasiya na may kaugnayan sa kapayapaan at katarungang panlipunan sa bansa.

“Fr. Picx was a brilliant and courageous missionary. He was a passionate advocate of peace and social justice and a professor of theology who has touched and transformed the lives of many.” pagbabahagi ni Fr. Cepe.

Nakilala si Fr. Picardal sa kanyang matapang na pagdokumento at pakikibahagi sa pagsusulong ng katarungan kaugnay sa mga pagpaslang na nagaganap sa Davao City, partikular na sa tinaguriang Davao Death Squad (DDS) kung saan noong 2017 ay gumawa ng isang detalyadong pagtatala ang Pari kaugnay sa mga nasabing karahasan na may kaugnayan sa DDS mula taong 1998 hanggang 2015 na kabilang sa mga impormasyong ipinasa sa International Criminal Court (ICC) hingil sa human rights violations na nagaganap sa bansa.

Nakilala at tinagurian din si Fr. Picardal bilang “biking priest” kung saan sa pamamagitan ng pagbibisikleta sa iba’t ibang lugar sa bansa ay kanyang isinuslong ang kanyang mga adbokasiya sa kapayapaan at katarungang panlipunan para sa bawat mamamayan.

Ipinanganak si Fr. Picardal noong October 6, 1954 at naordinahang Pari noong April 24, 1981 kung saan kayang mariing isinulong ang pagkakaroon ng kapayapaan at katarungang panlipunan sa bansa, nagsilbi rin si Fr. Picardal bilang dating executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Basic Ecclesial Community Committe na ngayon ay isa ng Episcopal Commission.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 36,842 total views

 36,842 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 42,971 total views

 42,971 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 73,113 total views

 73,113 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 92,911 total views

 92,911 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 112,235 total views

 112,235 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

No one is above the law-Bishop Bagaforo

 7,988 total views

 7,988 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pananagutan at patas na pagpapatupad ng batas kaugnay ng mga

Read More »

Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

 7,893 total views

 7,893 total views Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan

Read More »
Scroll to Top