Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Photo Source: St. Nicholas Of Tolentine Parish Cathedral / Historic Cabanatuan Cathedral

National Historical marker, iginawad sa Cabanatuan cathedral

SHARE THE TRUTH

 19,965 total views

Binigyang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang St. Nicholas of Tolentine Parish Cathedral o mas kilala bilang Cabanatuan Cathedral sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa.

Pinangunahan ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud ang unveiling ng national historical marker na matatagpuan sa Cabanatuan Cathedral kung saan ang kumbento ng Simbahan ay dating nagsilbing tanggapan ng Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo nang ilipat ang kabisera ng Unang Republika ng Pilipinas sa Cabanatuan noong Mayo ng taong 1899.

Sa naganap na paghahawi ng tabing sa mga panandang pangkasaysayan ng landas ng pagkabansa ng Pilipinas ay tinukoy ni National Historical Commission of the Philippines executive director Carminda Arevalo ang mahalagang papel na ginagampanan ng Cabanatuan Cathedral bilang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng unang demokrasya at republika sa buong Asya.

Ayon kay Arevalo, saksi ang Katedral ng Cabanatuan sa ladas ng pagkabansa ng Pilipinas partikular na sa pagsasakripisyo ng sariling buhay ng mga Pilipinong sundalo para sa ipinaglalabang kalayaan ng bansa kasabay ng pag-alala sa kamatayan at pagpaslang kay Heneral Antonio Luna sa plaza sa harapan ng kumbento noong ika-5 ng Hunyo, taong 1899.

“Ang mga panandang pangkasaysayan na ating pinasinayaan ay paggunita ng pinagtagpi-tagpi at hinabing kasaysayan ng Simbahan, ng bayan at ng bansa. Inaalala natin ang Simbahan sa kamatayan ni Heneral [Antonio] Luna na hanggang sa huli, handang isakripisyo ang buhay para sa bayan, ginugunita din natin ang unang republika ng Pilipinas at ang mga Pilipinong dumanak ang dugo para sa ipinaglalabang kalayaan. Nawa’y magsilbing paalala ito na hindi lamang sa bayan at Simbahan kundi sa buong bansa ang naging mahalagang papel ng Cabanatuan sa makulay na kasaysayan ng Pilipinas.” Bahagi ng pahayag ni Arevalo.

Paliwanag ni Arevalo, mahalagang alalahanin ang naging pambihirang papel ng Katedral ng Cabanatuan sa pag-unlad ng bayan at kasaysayan ng Pilipinas.

“Ang kasaysayang lokal ng Pilipinas, ang pagtatatag ng Simbahan ay kadalasang siya ring itinuturing na pagkakatatag ng bayan. Sa pag-unlad ng bayan kasabay nito ang paglago ng Simbahan at nagiging bahagi ito ng kasaysayan ng bayan at bansa kaya’t nararapat lamang na ating alalahanin ang naging papel ng Katedral ng Cabanatuan sa pag-unlad ng bayang ito at sa kasaysayan ng Pilipinas.” Dagdag pa ni Arevalo.

Naganap ang unveiling ng national historical marker sa Cabanatuan Cathedral noong ika-14 ng Hunyo, 2024 na personal din sinaksihan ng mga lokal na opisyal ng bayan ng Cabanatuan kasama ang mga ilang mga opisyal ng katedral at ng Diyosesis ng Cabanatuan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 65,988 total views

 65,988 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 73,763 total views

 73,763 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 81,943 total views

 81,943 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 97,629 total views

 97,629 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 101,572 total views

 101,572 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 22,560 total views

 22,560 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 23,228 total views

 23,228 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top