Obispo, hinamon ang mga Pilipino na manindigan sa pananakop ng dayuhang bansa

SHARE THE TRUTH

 6,216 total views

Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagiging katiwala ng bawat Pilipino sa kalayaang biyaya ng Panginoon sa bansa.

Ito ang paalala ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo – chairman ng CBCP-Office on Stewardship sa pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa ika-12 ng Hunyo.

Ayon sa Obispo, mahalagang ipagpasalamat sa Diyos ang tinatamasang kalayaan ng bansa na kaakibat ang hamon sa bawat Pilipino na patuloy na pangalagaan at itaguyod ang kasarinlan ng Pilipinas sa banta ng banta ng pananakop ng mga dayuhan.

Tinukoy ni Bishop Pabillo ang agresibong pang-aangkin ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea maging sa Kalayaan island.

“Tayo ngayon ay nagdiriwang ng ating 126th Independence Day, ipasalamat po natin sa Panginoon ang ating kasarinlan na tayo ay naging independent. Pero yan po ay biyaya ng Diyos na kailangan nating pangalagaan kaya’t tayo po ay katiwala din ng kanyang biyaya, lalong lalo na sa ating panahon ngayon na mayroon ng nakakabahala yung ating problema sa China, baka masangkot tayo sa gulo at mawala ang independence natin.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillio sa Radyo Veritas.

Nilinaw ng Obispo na hindi lamang sa China maging maingat at mapagbantay ang Pilipinas sa halip nararapat na mariing paninindigan laban sa pagpapasailalim sa impluwensya at kapangyarihan western countries kabilang na ang Estados Unidos, Australia, India at Japan.

“Ganun din hindi lang sa China magsikap din tayo na hindi tayo mapasailalim ng mga western powers na dapat mayroon tayong kasarinlan, makakapagdesisyon tayo, hindi lang tayo nadidiktahan ng mga polisiya ng mga western powers [tulad ng mga bansa] ng US, ng Australia, ng India, ng Japan kaya mahirap pong manimbang.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Hinikayat naman ni Bishop Pabillo ang bawat isa na ipanalangin ang mga opisyal at lider ng pamahalaan upang ganap na pamunuan ang bansa na may pagpapahalaga sa kalayaan at demokrasya.

Sinabi ng Obispo na bukod sa pananalangin ay tungkulin ng bawat Pilipino na maging mapagbantay at mapanuri bilang paninindigan at pagpapahalaga sa kasarinlan ng bansa.

“Una ipagdasal po natin na maging maingat tayong lahat, ipagdasal natin ang ating mga leaders na sana maayos ang pamumuno nila na hindi sila magpadala sa kanino man sa kaliwa o sa kanan at ganun din po magsikap din tayong pahalagahan ang independence natin, kaya tayo mismo ay maging maingat kapag may mga nakita tayo na hindi na magandang pangyayari, magsalita tayo, ipakita natin ang ating paninindigan para sa ating bayan. So ito po yung ating pagpapahalaga sa kasarinlan na ibinigay sa atin ng Diyos.” Ayon pa kay Bishop Pabillo.

Tema ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ngayong taon ang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan” na layuning isulong ang pagbabalik-tanaw ng bawat mamamayan sa kasaysayan ng bansa bilang gabay at aral sa kinabukasan ng Pilipinas.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Proteksyon para sa mga magsasaka

 2,978 total views

 2,978 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »

Panagutin ang dapat panagutin

 14,099 total views

 14,099 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Patatagin ang Pamilya

 36,091 total views

 36,091 total views Kapanalig, isa sa mga isyu ng ating bayan ngayon ay ang kakulangan natin bilang estado at bilang Kristiyanong lipunan sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino. Ayon sa opisyal na datos, mas marami ng mga Pilipino ngayon ang magka-live-in kaysa noong 2015. Tinatayang umaabot sa 15% ng populasyon ang nasa mga live-in arrangements ngayon, kumpara

Read More »

Catechesis on Old Age

 45,189 total views

 45,189 total views Kapanalig, noong June 2022 naglabas ng Catechesis on Old Age si Pope Francis. Sa dokumentong ito, nanawagan ang mahal na Papa na magnilay tayo ukol sa ating pagbibigay proteksyon, pangangalaga, at pagbibigay halaga sa mga nakatatanda sa ating Lipunan. Maraming mga bansa sa buong mundo ang aging na. Kasama na rito ang ating

Read More »

Pagtanda ng ating Populasyon

 57,104 total views

 57,104 total views Kapanalig, sa ibang bansa, ang retirement mula sa trabaho ay isang kapana-panabik na yugto ng buhay ng isang tao. Ito yung panahon ng pagpahinga, ng pag-eenjoy ng mga bunga ng pinaghirapan ng nakaraang mga dekada. Sa ating bayan, parami ng parami ang mga mamamayan na nasa retirement age na o papalapit na dito.

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

photo source: Roman Catholic Diocese of Novaliches
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SCAD, ilulunsad sa Diocese of Novaliches

 1,852 total views

 1,852 total views Opisyal na ilulunsad Super Coalition Against Divorce (SCAD) na binubuo ng iba’t ibang mga grupo at institusyon ng Simbahan laban sa isinusulong na diborsyo sa Pilipinas. Halos isang buwan mula ng ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong ika-22 ng Mayo, 2024 ang House Bill 9349 o Absolute Divorce Bill ay nagkaisa ang

Read More »
Photo Source: St. Nicholas Of Tolentine Parish Cathedral / Historic Cabanatuan Cathedral
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

National Historical marker, iginawad sa Cabanatuan cathedral

 1,854 total views

 1,854 total views Binigyang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang St. Nicholas of Tolentine Parish Cathedral o mas kilala bilang Cabanatuan Cathedral sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Pinangunahan ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud ang unveiling ng national historical marker na matatagpuan sa Cabanatuan Cathedral kung saan ang kumbento ng Simbahan ay

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Ipagdasal ang mga opisyal ng pamahalaan at simbahan, panawagan ng military bishop sa mamamayan

 1,956 total views

 1,956 total views Hinimok ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga opisyal ng pamahalaan at Simbahan upang maging mabuting lingkod at tagapaggabay sa bawat isa. Ito ang bahagi ng mensahe ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa paggunita ng ika-126 na

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SLP, palalawakin ang kaalaman ng mamamayan laban sa divorce

 8,223 total views

 8,223 total views Naninindigan ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on the Laity laban sa panukalang pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Ipinahayag ni Francisco Xavier Padilla, pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang paninindigan sa kasagraduhan ng kasal na maisasantabi sa isinusulong na absolute divorce sa bansa. Pagbabahagi

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Maling pamamahayag ng isang TV station, pinuna ng CBCP President

 8,417 total views

 8,417 total views Pinuna ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang maling pamamahayag ng isang media outlet kaugnay sa naganap na tension sa pagsasagawa sana ng transition sa pamunuan ng St. Joseph Parish sa Gagalangin Tondo, Maynila noong ika-4 ng Hunyo, 2024. Sa personal na Facebook

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Namayapang biking Priest, hinahangaan ng CBCP President

 5,365 total views

 5,365 total views Nagpahayag ng paghanga at pagkilala si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa naging makabuluhang buhay at adbokasiya ng namayapang si Redemptorist Father Amado “Picx” Picardal, CSsR. Sa Pastoral Visit On-Air sa Radyo Veritas ni Bishop David ay ibinahagi ng Obispo ang pakikidalamhati at pakikibahagi sa paghahatid

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Tagbilaran Cathedral, kinilala ng NHCP

 11,332 total views

 11,332 total views Binigyang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang Diocesan Shrine and Cathedral-Parish of Saint Joseph the Worker sa Tagbilaran, Bohol o mas kilala bilang Tagbilaran Cathedral para sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Pinangunahan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang unveiling ng national historical marker na matatagpuan sa harapang bahagi

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Say no to divorce, panawagan ng Obispo sa mamamayan

 11,427 total views

 11,427 total views Manindigan sa kasagraduhan ng kasal at pamilya sa kabila ng mga taliwas na opinyon ng iba o ng mas nakararami. Ito ang panawagan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy kaugnay sa usapin ng pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Ayon sa Obispo, ang moralidad at paninindigan sa isang usaping panlipunan ay hindi dapat na ibatay

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Sangguniang Laiko, nanindigan laban sa divorce bill

 12,196 total views

 12,196 total views Nagpahayag ng mariing paninindigan ang Sangguniang Laiko ng Arkidiyosesis ng Cebu laban sa paukalang pagsasabatas ng Absolute Divorce sa Pilipinas. Sa opisyal na pahayag na nilagdaan ni Archdiocese of Cebu – Commission on the Laity chairman Fe Barino, ay iginiit ng Sangguniang Laiko ng Cebu na ang diborsyo ay makasisira sa kasagraduhan ng sakramento

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Stella Maris, pinuri ang mga mambabatas sa pagpasa sa Magna Carta of the Filipino Seafarers

 12,107 total views

 12,107 total views Binigyang diin ng Stella Maris-Philippines na naaangkop lamang na tutukan at bigyang halaga ng pamahalaan ang kapakanan at karapatan ng mga Filipino Seafarers. Ito ang bahagi ng mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – CBCP Bishop Promoter ng Stella Maris-Philippines, kasunod ng pag-apruba ng mga mambabatas sa Magna Carta of the Filipino Seafarers

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese ng Malolos, naglabas ng pahayag laban sa Absolute Divorce Act

 8,529 total views

 8,529 total views Naglabas ng opisyal na pahayag ang Diyosesis ng Malolos patungkol sa panukalang batas na nagpapahintulot ng Absolute Divorce sa bansa. Sa pahayag ng diyosesis na may titulong ‘Pananagutan ang Pagmamahal’ ay binigyang diin ng Diyosesis ng Malolos na pinangangasiwaan ni Bishop Dennis Villarojo na mahalagang muling pagnilayan at suriin ang pagsasabatas ng diborsyo

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagsusulong ng kapayapaan at katarungang panlipunan, iniwang legacy ni Fr. Picardal

 11,757 total views

 11,757 total views Pumanaw na sa edad na 69 na taong gulang ang kilalang peace advocate na si Redemptorist Fr. Amado “Picx” Picardal, CSsR. Ayon kay Rev. Fr. Edilberto Cepe, C.Ss.R.- provincial superior ng Redemptorist Province of Cebu, namayapa si Fr. Picardal kasabay ng ika-47 anibersaryo ng kanyang religious profession noong ika-29 ng Mayo, 2024 bagamat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Kauna-unahang EJK memorial site, pasisinayaan sa labor day

 23,670 total views

 23,670 total views Nakatakdang pasinayaan ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang kauna-unahang EJK Memorial Site na tinaguriang ‘Dambana ng Paghilom’ na magsisilbing himalayan ng mga biktima ng extra-judicial killings. Inihayag ni AJ Kalinga Foundation Inc. Founder and President Fr. Flavie Villanueva SVD na layunin ng ‘Dambana ng Paghilom’ na kauna-unahang EJK Memorial Site na mabigyan ng

Read More »
Environment
Reyn Letran - Ibañez

MaPSA nagsagawa ng donation campaign, sa pagsasaayos ng nasunog na paaralan

 21,253 total views

 21,253 total views Nagpahayag ng pakikiisa sa Paco Catholic School ang Manila Ecclesiastical Province School Systems Association (MaPSA) matapos ang naganap na sunog na tumupok sa bahagi ng paaralan noong nakalipas na Sabado. Bilang tugon sa pangangailangan ng Paco Catholic School ay naglunsad ng inisyatibo ang MaPSA upang makapangalap ng donasyon na makakatulong para sa muling

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Arkidiyosesis at diyosesis sa bansa, hinimok na makiisa sa “prayer for peace and social transformation”

 23,980 total views

 23,980 total views Nanawagan ang Caritas Philippines sa bawat diyosesis sa Pilipinas na makibahagi sa ‘Prayer for Peace and Social Transformation’ bilang pakikiisa sa Good Governance Month na idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – vice chairman ng humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP, inaprubahan ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top