Namayapang biking Priest, hinahangaan ng CBCP President

SHARE THE TRUTH

 19,273 total views

Nagpahayag ng paghanga at pagkilala si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa naging makabuluhang buhay at adbokasiya ng namayapang si Redemptorist Father Amado “Picx” Picardal, CSsR.

Sa Pastoral Visit On-Air sa Radyo Veritas ni Bishop David ay ibinahagi ng Obispo ang pakikidalamhati at pakikibahagi sa paghahatid sa huling hantungan ngayong araw kay Fr. Picardal na nakilala sa kanyang adbokasiya na may kaugnayan sa pagsusulong ng kapayapaan at katarungang panlipunan sa bansa.

Ayon kay Bishop David, kahanga-hanga ang pambihirang tapang ni Fr. Picardal na tinagurian bilang “biking priest” kung saan sa pamamagitan ng pagbibisikleta sa iba’t ibang lugar sa bansa ay kanyang isinusulong ang kanyang mga adbokasiya sa kapayapaan at katarungang panlipunan para sa bawat mamamayan.

“We’re also sorry to say na pumanaw si Fr. Amado Picardal, CSsR at siya ay inilibing sa araw na ito. He was the former executive secretary ng Basic Ecclesial Community Commission ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Alam natin, kilala natin he was a great man and bold prophet of social justice ‘Father Picx’ ang tawag sa kanya Fr. Amado Picardal, CSsR Redemptorist.” Bahagi ng mensahe ni Bishop
David sa Radyo Veritas.

Pinangunahan ni Cebu Auxiliary Bishop Emeritus Emilio “Boy” Bataclan ang Banal na Misa para sa paghahatid sa huling hantungan kay Fr. Picardal na namayapa sa edad na 69-na-taong-gulang dahil sa cardiac arrest noong ika-29 ng Mayo, 2024 kasabay ng kanyang ika-47 anibersaryo ng religious profession.

Ipinanganak si Fr. Picardal noong October 6, 1954 at naordinahang Pari noong April 24, 1981 kung saan kayang mariing isinulong ang pagkakaroon ng kapayapaan at katarungang panlipunan sa bansa partikular na laban sa mga serye ng karahasan sa syudad ng Davao.

Nagsilbi rin si Fr. Picardal bilang dating executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Basic Ecclesial Community Committe na ngayon ay isa ng Episcopal Commission.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 80,018 total views

 80,018 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 91,022 total views

 91,022 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 98,827 total views

 98,827 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 112,068 total views

 112,068 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 123,585 total views

 123,585 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 7,434 total views

 7,434 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top