Pakikibahagi sa usaping politikal, tungkulin ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,800 total reads

Nasasaad sa Second Plenary Council of the Philippines (PCP II) ang posisyon ng Simbahang Katolika sa Pilipinas kaugnay sa usapin ng politika bilang bahagi ng responsibilidad o tungkulin ng mga mamamayan para sa bayan.

Ito ang ibinahagi ni Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm., Co-Executive Secretary ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines sa tungkulin ng bawat Kristiyano para sa kapakanan at kinabukasan ng bayan.

Ayon sa Pari, mahalaga ang mga isinasagawang webinar ng mga institusyon ng Simbahan partikular na ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) upang maimulat ang kamalayan ng mga Catholic educators, students at iba pang lingkod ng Simbahan sa mahalagang tungkulin na dapat gampanan upang maisulong ang kaayusan at kapakanan ng bayan sa darating na halalan.

“Sa PCP II the document Article 28 #1, sinasabi ng Simbahan sa Pilipinas ang kanyang posisyon tungkul sa politics at ano ang ating responsibilidad bilang mamamayan. Especially as Catholic educators, Catholic students we hold a very important role, and task, and function especially sa future ng bansa.” pahayag ni Fr. Buenafe, sa unang webinar series ng CEAP’s 2022 Election Engagement.

Ipinaliwanag ng Pari na mahalagang mabuksan ang kamalayan ng taumbayan sa iba’t ibang usaping panlipunan na maaring maging batayan at gabay sa masusing pagpili ng mga karapat-dapat na opisyal ng bayan.

Partikular na tinukoy ni Fr. Buenafe ang patuloy na pag-iral ng Political Dynasty sa bansa na naglilimita sa iba pang may kakayahan at nagnanais na maglingkod sa bayan.

Giit ng Pari, bukod sa pag-angkin ng iisang pamilya o angkan sa posisyon at katungkulan sa pamahalaan ay kapansin-pansin din ang pagmamanipula ng mga kasapi sa political dynasty sa bansa upang pumabor ang mga batas at panuntunan ng pamahalaan sa kanilang mga pansariling kapakinabangan.

“Political dynasties are actually preservation of power by a select few in a given society, they suck the creativity and potentials of service and leadership of other people and they manipulate laws and norms to justify their present titles, positions, powers and advantages.” Dagdag pa ni Fr. Buenafe.

Hinikayat naman ng Pari ang bawat mamamayan na balikan ang mga opisyal na posisyon at paninindigan ng Simbahan partikular ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, AMRSP, CEAP at ibang institusyon ng Simbahan kaugnay sa usapin ng Political Dynasty.

Ayon kay Fr. Buenafe, “Ang daming mga statements na ang ginawa ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines and even CEAP, ang gaganda ng ating mga written documents [pero] hindi tayo pinapakinggan, binabasa pero hindi natin isinasabuhay. Magandang balikan natin ang mga positions ng mga Catholic institutions, Political Dynasty is not a given right.”

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 10,939 total reads

 10,939 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,260 total reads

 12,260 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 25,876 total reads

 25,876 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,254 total reads

 63,254 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,524 total reads

 94,524 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 170,096 total reads

 170,096 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 263,076 total reads

 263,076 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,412 total reads

 25,412 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top