VeritasPH

The Word, The Truth

Pakinggan ang hinaing ng mga nasa frontline

SHARE THE TRUTH

 148 total views

Mga Kapanalig, ngayong patuloy ang COVID-19 pandemic at punô na naman ang mga ospital, mas dapat nating pahalagahan ang ating mga frontliners—mga doktor, nars, at iba pang hospital staff. Ngunit dahil sa takot na madapuan ng nakakahawa’t nakamamatay na virus, sa kapaguran sa magdadalawang taon nang pandemya, at sa kakarampot na sahod at mga benepisyo, maraming nars ang tuluyan nang nagbitiw sa kanilang trabaho. Marami pang nagbabalak na magbitiw na.

Base sa datos ng Private Hospitals Association Philippines, nasa 40% na ng mga nars sa buong bansa—karamihan ay mula sa mga pribadong ospital—ang nagbitiw sa trabaho nitong nakalipas na dalawang linggo lamang. Hindi kasi tulad ng mga nars sa mga pampublikong ospital na nakikinabang sa Salary Standardization Law, karamihan ng mga nars sa mga pribadong ospital ay mga minimum wage earners at nakatatanggap lamang ng 537 piso sa isang araw. Bagamat hinihikayat ng Philippine Nurses Association na manatili sa trabaho ang mga nars, hindi raw nila masisi ang mga nars kung pipiliin nilang mag-resign. Marami kasi sa kanila ay hindi pa nakatatanggap ng isang-buwang halaga ng special risk allowance at iba pang COVID-related incentives.

Kaya naman maituturing na sampal sa ating mga healthcare workers ang kontrobersyang bumabalot ngayon sa Department of Health (o DOH) matapos matuklasan ng Commission on Audit (o COA) ang deficiencies o hindi maayos na paggamit ng mahigit 67 bilyong pisong budget ng kagawaran na dapat gamitin sa pagtugon sa pandemya. Base rin sa COA report, hindi nailaan ng DOH sa mga benepisyaryo ang financial assistance fund na nagkakahalaga ng halos limang bilyong piso para sa ating mga health workers. Paliwanag ng DOH, malaking porsyento ng unutilized balance ay mula sa Bayanihan 2, kung saan kasama ang alokasyon para sa special risk allowance at hazard pay ng mga health workers. Natanggap lamang daw nila ang pondo noong Oktubre.

Gayunpaman, malinaw ang hinaing ng ating mga health workers: bigo ang administrasyong Duterte na ibigay ang mga benepisyong nararapat para sa kanila. Hindi raw nila maramdaman ang pagpapahalaga ng ating gobyerno.

Hindi na sana maulit pa ang kaso noong Agosto ng nakaraang taon nang may nars sa Cainta na namatay dahil sa COVID-19 bago pa niya matanggap ang kakarampot na animnapung pisong hazard pay kada araw. Ang inaakalang limandaang piso kada araw o kabuuang 30,000 piso para sa isang buwang trabaho ay umabot lang pala ng pitong libong piso. Ang nakalulungkot, posibleng marami pang kasong katulad nito ang hindi lang naibabalita. Nakadidismayang sa kabila ng pagiging lantad at bulnerable ng mga health workers sa malubha at nakamamatay na sakit, kulang na kulang ang pagpapahalagang natatanggap nila mula sa pamahalaan.

Ang ating mga nars at iba pang medical frontliners ay may dignidad na dapat pinangangalagaan at itinataguyod. Sinasabi sa Catholic social teaching na Rerum Novarum, kapag may banta ng kapahamakan o mahirap iwasang panganib sa interes o kapakanan ng publiko o ng isang sektor ng lipunan–katulad ng mga health workers—nararapat na kumilos ang pamahalaan. Nangunguna dapat ang pamahalaan sa pagtiyak na nakatatanggap ng sapat at makatarungang pasahod at benepisyo ang mga manggagawa. Ayon nga sa Levitico 19:13, hindi dapat ipinagkakait sa mga manggagawa ang nararapat para sa kanila.

Mga Kapanalig, hindi maikakailang napakalaki ng ambag ng mga nars sa serbisyong pangkalusugan at sa pagliligtas ng buhay ng mga Pilipino. Sa harap ng tumitinding health crisis, ang pagpasok at pagpapatuloy ng mga health workers sa kanilang bokasyon ay higit na nakasalalay sa kung gaano kahusay naibibigay ang pangangailangan, at kung gaano napagtutuunan ng pansin ng sistemang pangkalusugan at ng pamahalaan ang kanilang kapakanan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 9,030 total views

 9,030 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 17,015 total views

 17,015 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 24,551 total views

 24,551 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 40,536 total views

 40,536 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 48,580 total views

 48,580 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 9,031 total views

 9,031 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 17,016 total views

 17,016 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 24,552 total views

 24,552 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 40,537 total views

 40,537 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 48,581 total views

 48,581 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,768 total views

 45,768 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,193 total views

 44,193 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,979 total views

 45,979 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,904 total views

 42,904 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,218 total views

 57,218 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,908 total views

 60,908 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,511 total views

 59,511 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,498 total views

 69,498 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,466 total views

 73,466 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,353 total views

 84,353 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top