Paliwanag ng PAGCOR sa online gambling, ni-reject ni Cardinal Davi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,364 total views

Mariing nanindigan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David laban sa pagsasalegal ng online gambling sa bansa.

Sa naganap na 11th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XI) noong ika-18 ng Hulyo, 2025 ay ibinahagi ni Cardinal David ang personal na pagsulat sa kanya ng pamunuan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) upang punto por puntong ipaliwanag ang posisyon ng ahensya kaugnay sa kontrobersyal na usapin bilang tugon sa naging liham pastoral ng CBCP sa katatapos na 130th Plenary Assembly ng kalipunan ng nga Obispo.

Pagbabahagi ni Cardinal David, nasasaad sa liham ng PAGCOR ang panghihinayang sa buwis na maaaring masayang at magamit ng pamahalaan mula sa pagsasalegal ng online gambling sa bansa.

Giit ng Cardinal, hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang naturang pangangatwiran lalo na’t marami kasapi ng lipunan lalo’t higit ang mga kabataan ang lantad sa pagiging biktima ng pagkalulong sa pagsusugal.

“The PAGCOR wrote me a letter, a few days ago the PAGCOR chief sort of defending their stand about legalizing online gambling, sagot daw point-by-point sa aming pastoral statement, but ang sumatutal is ‘if we do not legalize it, mananatiling iligal yan and we lose a lot of money, sayang! we could use the money and generate revenues for government’ – yun ang reasoning, no matter if it is very addictive especially for young people. How is that for a reasoning?” Bahagi ng pahayag ni Cardinal David.

Paliwanag ng Cardinal, ang sugal ay mananatiling ilegal at hindi naangkop na gawain ng sinuman kahit ito pa ay gawing legal ng sanggay ng pamahalaan.

“I am sorry that I do not agree that you can regulate something criminal, it is criminal through and through.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Ayon sa Cardinal, ang bawat kasapi ng lipunan ay lantad sa panganib ng pagkalulong sa online gambling lalo na’t nakaugnay rin ang pagkalulong sa online gambling sa pagkalulong sa paggamit ng social media.

“Addiction to online gambling is so closely related to addiction to social media, at lahat tayo vulnerable diyan.”

Matatandaang una na ring kinundina ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas kung saan dahil sa teknolohiya ay mas madali itong ma-access ng sinuman.

Sa datos ng Recovering Gamblers of the Philippines, 80% sa kanilang mga rehab patient ay pawang mga biktima ng online gambling na bukod sa pagkalugi sa pera ay nagdulot din ng depresyon, pagkasira ng buhay, pamilya at relasyon sa kapwa.

Batay sa datos ng PAGCOR 38% mula sa P410-billion gross gaming revenue noong nakalipas na taong 2024 ay nagmula sa electronic gaming industry kung saan inaasahan ang higit pang paglaki nito ngayong taon, kung saan sa tala ng Statista 3.3% ng populasyon sa Pilipinas noong 2024 ang tumataya sa online gambling.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 147,852 total views

 147,852 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 169,962 total views

 169,962 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 243,064 total views

 243,064 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 235,235 total views

 235,235 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top