Atin ang West Philippine Sea!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 88,319 total views

Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya sa West Philippine Sea. Magpasahanggang ngayon, maituturing na tagumpay ang pagpapairal ng batas at diplomasya sa pagkilalang ito ng United Nations. Pero kahit lumipas na ang siyam na taon, hindi pa rin kinikilala ng China ang ruling na ito, salamat sa mga dati nating lider na piraso ng papel lang ang tingin sa desisyon ng UN.

Noong nakaraang Lunes, naiulat na nasira ng isang Chinese maritime milita vessel ang bahura o corals na nagkakahalaga ng 11 milyong piso sa Pag-asa Reef 1 noong Hunyo 7. Tatlong oras na nakasadsad ang militia vessel sa bahura. Pagkaalis ng sasakyang pandagat na ito, sinira ng parachute anchor nito ang mga bahura. Batay sa imbestigasyon ng Palawan Council for Sustainable Development, naganap ang pagsadsad sa loob ng isang protected coral zone, at nasa 30% ng bahura ang napuruhan. Nasa halos 465 metrong kwadrado ang lawak ng nasirang coral reefs. Bahagyang mas malaki ito ang sukat na ito sa isang basketball court.

Malaking bansa ang China, at ginagamit nila ito para takutin tayo. Halimbawa ito ng tinawag ni Pope Francis na “might is right”, isang pagtingin na nagdudulot ng matinding hindi pagkakapantay-pantay (o inequality), kawalan ng katarungan (o injustice), at karahasan (o violence). Kapag ganito kasi ang umiiral, ang mga resources, katulad ng mga yamang-dagat, ay napupunta sa mga kamay ng malalakas at makapangyarihan. Winner takes all, ‘ika nga. Hindi ito patas. Hindi ito makatarungan. Hadlang ito sa maayos na ugnayan at pagtutulungan ng mga bansa. Sa huli, ang mga mamamayan ng inaagrabyadong bansa ang talo.

Hindi lang siyam na taon ang itinatagal ng sigalot sa West Philippine Sea. Mula pa noong mga nakaraang dekada, marami nang panghihimasok at pagmamalabis ang ginawa ng China sa loob ng ating teritoryo. Malalawak na bahura na ang kanilang sinira. Malalaking artificial islands na ang kanilang itinayo. Napakaraming likas na yaman, katulad ng mga isda at iba pang lamang-dagat, ang kanilang kinulimbat at inangkin para pagkakitaan. Pinahihirapan ang mga kababayan nating mangingisda na naghahanapbuhay para sa kanilang pamilya dahil itinataboy sila ng mga dayuhan sa karagatang matagal na nilang sinasandalan para mabuhay.

Gaya ng paalala ni Pope Francis, hindi nagkakalayo ang pagtingin natin sa kalikasan, sa pulitika, at kahit na sa ating pananampalataya. Magkaugnay ang ating pagtrato sa kalikasan at ang pagkilala natin sa kapwa-tao at kapwa-bansa. Sa patuloy na paninindigan natin para sa ating soberanya at karapatan sa mga likas-yamang matatagpuan sa West Philippine Sea, huwag nating hayaan ang mga maling gawaing umaabuso sa mga natural resources ng ating bansa. Siguraduhin nating ginagamit natin ang mga ito para sa ikapapanatili o sustainability ng kalikasan. Siguraduhin nating naipagpapatuloy ng ating mga kababayang mangingisda ang kanilang hanapbuhay.

Mga Kapanalig, sa ating ikasiyam na taóng paggunita ng pagkapanalo natin sa UN Arbitral Ruling, nawa’y pangalagaan natin ang bayang ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Pahalagahan natin ang likas-yamang mayroon tayo. Huwag nating abusuhin ang mga ito—at huwag nating hayaang abusuhin ang mga ito ng mga dayuhan. Higit sa kontribusyon ng West Philippine Sea sa ating ekonomiya, biyaya ng Diyos ang likas na yaman sa karagatang pilit inaagaw sa atin. Pasalamatan natin ang Diyos para sa biyayang ito. Ayon nga sa Mga Awit 107:24, “Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyang-dagat, nakita nila ang mga gawa ng Panginoon, ang kanyang kahanga-hangang mga gawa sa kalaliman.” Atin ang West Philippine Sea!

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 11,273 total views

 11,273 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 34,425 total views

 34,425 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 104,538 total views

 104,538 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 179,151 total views

 179,151 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 258,469 total views

 258,469 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG SIMBAHAN

 11,274 total views

 11,274 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 34,426 total views

 34,426 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 104,539 total views

 104,539 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 179,152 total views

 179,152 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »
Scroll to Top