Pamahalaan, binatikos ng CWS sa kawalang malasakit sa mga magsasaka

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,648 total views

Sa pagdiriwang ng Peasant Month ngayong Oktubre, mariing binatikos ng Church People–Workers Solidarity o CWS ang kabiguan ng pamahalaan na pangalagaan ang mga magsasaka laban sa kahirapan at korapsyon.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, tagapangulo ng CWS, ang patuloy na pagdurusa ng mga magsasaka ay bunga ng sistemang mapagsamantala, na lalong pinabigat ng kawalan ng sariling lupang sinasaka, mataas na presyo ng mga gamit sa bukid, kapabayaan ng pamahalaan, at masamang epekto ng Rice Tariffication Law.

Batay sa datos, nananatiling isa sa pinakamahihirap na sektor ang mga magsasaka sa bansa, na may 27 porsyentong antas ng kahirapan noong 2023—ikatlong pinakamataas sa buong Pilipinas.

Binigyang-diin ng CWS na higit pitumpung porsyento ng mga manggagawang bukid ay wala pa ring sariling lupain, sa kabila ng mga dekadang pagpapatupad ng repormang agraryo. Mula 3.6 milyong lupang pag-aari ng mga magsasaka noong 2012, bumaba ito sa 2.4 milyon noong 2022.

Tinawag ng grupo na “pekeng reporma” ang Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP, dahil sa mga butas at patakarang pumapabor lamang sa mga mayayamang panginoong maylupa.

“The Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) on the other hand, was a fraud! It reduced a historic struggle to a mere land sale, riddled with loopholes that only led to the re-consolidation of land in the hands of the landed elite. And when our farmers fight back for their rights, they are confronted with violence and state fascism!”, bahagi ng pahayag ng CWS.

Kaugnay nito, inilahad ng CWS na 19 porsyento lamang ng mga lupang pansakahan ang may irigasyon, at 26 porsyento lamang ng kabuuang sakahan ang mekanisado. Dahil dito, patuloy umanong umaasa ang bansa sa imported na pataba, pestisidyo, at mga binhi, habang patuloy na naghihirap ang sariling mga magsasaka.

Ibinunyag din ng grupo ang koneksyon ng lumalalang krisis sa kanayunan sa malawakang korapsyon, lalo sa mga proyekto ng flood control at farm-to-market roads, na umano’y nagiging daan ng paglustay ng pondo ng bayan sa pamamagitan ng mga pekeng proyekto at kickback.

Dagdag pa ng grupo, “While our farmers starve, the corrupt politicians and their cohorts are engaged in a tragedy of obscene plunder, siphoning off billions from the very funds meant to protect the poor! Besides the trillions of pesos stolen thru flood control scam, massive corruption on the farm-to-market roads that is vital to our farmers are now being revealed through “ghost projects,” substandard construction, and an elaborate kickback scheme involving officials and favored contractors.”

Giit ng CWS, kailangan na ng tunay na repormang agraryo at libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka, pati na rin ang pananagutin ang mga tiwaling opisyal na sangkot sa pandarambong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 164,182 total views

 164,182 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 186,292 total views

 186,292 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 258,850 total views

 258,850 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 249,642 total views

 249,642 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top