Pamahalaan, pinagpapaliwanag ng Caritas Philippines sa 18-trilyong utang ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,782 total views

Nanawagan ang Caritas Philippines sa pamahalaan ng pananagutan o accountability sa ginagawang pangungutang upang tugunan ang kinakaharap na krisis ng bansa.

Ginawa ni Caritas Philippines President San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang panawagan sa pagdaraos ng national conference ng Association of Catholic Universities in the Philippines (ACUP) sa Camarines Sur.

Ayon sa obispo, mahalagang magamit ang inutang na pondo sa kapakanan ng mamamayan bagama’t may mga pagkakataong kinakailangang umutang ang mga bansa dahil sa mga krisis tulad ng pandemya, kalamidad, at pandaigdigang suliraning pang-ekonomiya.

“Countries sometimes borrow because of crises they cannot control: pandemics, climate disasters, global economic shocks, and rising interest rates,” ayon sa mensahe ni Bishop Alminaza.
Nauunawaan ni Bishop Alminaza na ang pangungutang ng Pilipinas ay maaring makatulong para mapanatili ang serbisyo publiko sa panahon ng krisis.

Gayunman, kawawa ang mga mamamayan sa pagbabayad ng inutang na pondo ng pamahalaan na napunta lamang sa corruption.

Iginiit ng Obispo na hindi dapat isantabi ng pamahalaan ang accountability dahil direktang apektado ang buhay ng mga mamamayan sa pagbabayad ng utang na hindi nila napakinabangan.

“Borrowing can help sustain essential services during difficult times. But the responsibility for repaying those debts eventually falls on the nation. And in the end it is ordinary citizens who carry that burden. This is why accountability matters so much,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Alminaza.

Dagdag pa ni Bishop Alminaza, ang pampublikong utang ay hindi lamang simpleng usapin ng mga numero, kundi isang pangako na ginawa sa ngalan ng sambayanan dahil nararapat na ang mga pondong hiniram ay gamitin para sa kabutihang ng lahat at hindi sa kapakinabangan ng iilang opisyal ng gobyerno.

Sa datos ng Bureau of Treasury, umaabot na sa 18.13-Trillion Pesos ang utang ng Pilipinas noong Enero 2026.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 160,400 total views

 160,400 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 138,033 total views

 138,033 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 202,161 total views

 202,161 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 222,472 total views

 222,472 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Lights! Camera! Action?

 143,301 total views

 143,301 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top