Pagdurusa ng mamamayan na naiipit sa digmaan, ikinababahala ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 491 total views

Lubhang nababahala si Pope Leo XIV sa patuloy na pagdurusa ng mga sibilyan sa gitna ng mga digmaan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa kanyang Angelus sa St. Peter’s Square sa Vatican, iginiit ng Santo Papa na hindi mananahimik ang simbahan sa mga lumalalang tensyon dahil wala itong maidudulot na kabutihan sa lipunan, sa halip ay nagpapalubha lamang sa kahirapan.

Binigyang-diin ng Santo Papa na ang karahasan at pagkamatay ng mga inosente ay hindi lamang usapin ng isang rehiyon kundi ng buong sangkatauhan.

“We cannot remain silent in the face of the suffering of so many defenseless people who are victims of these conflicts. The death and pain caused by these wars is a scandal for the entire human family and a cry that rises to God,” ayon kay Pope Leo XIV.

Dahil dito, muling nanawagan ang Papa sa lahat ng mananampalataya at mga lider ng mundo na isulong ang kapayapaan.

“I strongly renew my appeal to persevere in prayer, so that hostilities may cease and paths to peace may finally open up, based on sincere dialogue and respect for the dignity of every human person,” apela ng Santo Papa.

Samantala, sa kanyang pagninilay para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, pinaalalahanan ng Santo Papa ang mga mananampalataya tungkol sa mas malalim na uhaw ng tao na hindi kayang punan ng materyal na bagay.

“Nothing finite can quench our inner thirst, for we are made for God, and we find no peace until we rest in him,” paalala ni Pope Leo.

Tinuligsa rin ng punong pastol ang pananaw ng makabagong lipunan na nakatuon sa panandaliang kasiyahan.

Hinimok din ni Pope Leo XIV ang lahat na magbalik-loob at iwanan ang makasariling pamumuhay, kasabay ng panawagan ni Hesus na “Come out!” isang paanyaya upang mamuhay sa liwanag ng pag-ibig at pag-asa.

Hiniling ng Santo Papa ang tulong ng Mahal na Birheng Maria upang gabayan ang mga mananampalataya sa mas malalim na pakikiisa kay Kristo lalo na sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa at ang Paschal Triduum.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 64,618 total views

 64,618 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 139,232 total views

 139,232 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 219,311 total views

 219,311 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 262,450 total views

 262,450 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 259,653 total views

 259,653 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top