Pamahalaan, pinakikilos sa paninira ng Upper Marikina watershed

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 421 total views

Ipinaalala ni Father Bien Miguel, Social Action Center Director ng Diocese of Antipolo na bawal ang anumang gawaing makasisira sa mga puno at magdudulot ng polusyon sa Sierra Madre na bahagi ng Upper Marikina Watershed.

Ayon sa Pari, nasasaad sa batas na ipinagbabawal ang quarry, pagtatayo ng mga pabahay, pagkakaingin,
iligal na pagmimina at paglalagay ng landfill sa loob ng watershed na nagsisilbing imbakan ng tubig na ginagamit
ng mga naninirahan sa lungsod.

“Paalala lang po sa mga nasa labas ng Markina Watershed, hindi po pinagbibili ang mga lupa diyan, malawakan po ang pagbebenta ng mga rights,iyan ay ipinagbabawal ng DENR. May mga quarry po dito na nasaloob ng Marikina Waterhsed, yaan ay pinagtulungan namin na mahinto… Naglagay sila ng Landfill San Mateo Landfill,
ito ay pinagbawal at dinesisyunan ito ng supreme court kaya yun ay naisara dahil nakapaloob ito
sa Marikina Watershed.,” bahagi ng pahayag ni Fr. Miguel.

Ayon kay Fr. Miguel, maaaring kulang sa koordinasyon at mahigpit na pagbabantay ang pamahalaan kaya nakalulusot ang ilang proyektong ito na mapanganib para sa balanseng kapaligiran sa loob ng watershed.

“Siguro ang problema ay ang coordination saka yung classification, sometimes pagdating sa batas nakakahanap tayo ng lusot, halimbawa upper Marikina Watershed, bawal yan ang gagawin dyan para yung isang lugar na alam naman nating nasa loob ay irereclasify na ito ay hindi watershed kaya dun nangyayari ang bentahan,” dagdag pa ng Pari.

Dahil dito, iginiit ni Fr. Miguel na kinakailangang paigtingin ng mga Ecowarriors na kinabibilangan ng mga Peoples Organization, Katutubo, Faithbased organizations, businessmen at DENR ang pagbabantay sa Upper Marikina Watershed upang mapanatili ang integridad ng kalikasan.

Ang Upper Marikina Watershed Protected Landscape ang nakasasakop at nagsusuply ng tubig sa ilang bahagi
ng Metro Manila.

May lawak itong 26,125.64 hektarya at sumasakop sa mga bayan ng Antipolo, Baras, Rodriguez, San Mateo at Tanay.

Ayon sa Laudato Si ng Kanyang kabanalan Francisco, natatanging tungkulin ng bawat tao ang pangalagaan ang kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 185,512 total views

 185,512 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 207,622 total views

 207,622 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 279,256 total views

 279,256 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 268,350 total views

 268,350 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 291,166 total views

 291,166 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top