Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tiyakin ang seguridad ng mga paaralan

SHARE THE TRUTH

 278 total views

Nanawagan ang Teacher’s Dignity Coalition (TDC) sa pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan ng mga paaralan sa bansa mula sa pag-atake ng mga bandido lalu na sa bahagi ng Mindanao region.

Ayon kay TDC National Chairman Benjo Basas, tila nagiging target ngayon ng mga bandidong grupo ang mga paaralan na walang kakayahan para lumaban.

Ang TDC ay may kabuuang higit sa limang libong miyembro sa Mindanao.

Hinimok ni Basas ang gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ng mga guro at estudyante, lalu na sa mga malalayong lugar.

“Kung matitiyak po ng ating gobyerno na ang ating mga paaralan ay secured, ibig sabihin sa ‘allowable distance’ naman puwede nating sabihin na nandyan merong nagbabantay me mga tao na masasabi natin na madedepensahan yung sanctity at neutrality ng ating school , why not,” paliwanag ni Basas sa panayam ng Radio Veritas.

Giit ni Basas, ang mga grupo tulad ng Bangsamoro Islamic Fighter (BIFF), Maute Group, Abu Sayyaf at iba pa ay hindi kabilang sa mga rebeldeng grupo na nakakausap ng pamahalaan para sa kapayapaan at hindi gumagalang sa international humanitarian laws o ang mga nakatalagang peace zone tulad ng paaralan.
Sa paglusob ng mga bandido sa Marawi City, kabilang sa sinalakay ng Maute Group ang Mindanao State University, Ninoy Aquino School at Dansalan College. Habang kamakailan lamang ay pinasok din ng BIFF ang Sisimsan Elementary School at High School at ang Malagakit Elementary School sa North Cotabato.

Kaugnay nito, umapela si Department of Education (DepEd) Assistant secretary Tonisito Umali sa mga paaralan sa buong Pilipinas na malugod na tanggapin ang mga mag-aaral na apektado ng nangyayaring gulo sa Marawi City.

Hiling ni Umali sa pamunuan ng mga paaralan na bigyang–prayoridad ang mga transferee students mula sa Mindanao at protektahan ang mga ito mula sa anumang diskriminasyon o pang-aapi dahil lamang sa kanilang pinanggalingan.

Sa tala ng DepEd-ARMM, umabot na sa mahigit 8,000 sa 22,000 estudyante sa Marawi ang nakapagpatala sa iba’t-ibang eskwelahan sa rehiyon kung saan 3,000 rito ay kasalukuyan pumapasok sa mga paaralan sa Iligan City habang ang tinanatayang 2,500 ay nag-aaral na sa Lanao Del Norte.

Binibigyang pagpapahalaga ng Santo Papa Francisco ang kahalagahan ng edukasyon sa mga kabataan dahil dito nahuhubog ang kaisipan tungo sa pagiging mabuting mamamayan ng lipunan, kaya’t labis-labis din ang panawagan ng Santo Papa para sa kapayapaan sa buong mundo na ang pangunahing mga biktima ay mga kabataan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,162 total views

 9,162 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 16,643 total views

 16,643 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 29,783 total views

 29,783 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 35,756 total views

 35,756 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 41,510 total views

 41,510 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Veritas Team

Jeepney drivers sa Metro Manila, gagawing miyembro ng Caritas Salve cooperative

 20,921 total views

 20,921 total views August 14, 2020 Manila,Philippines– Higit sa isang libo pitong daang mga jeepney driver ang tatanggap ng tulong mula sa Caritas Manila na lubhang apektado ang kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic. Ayon kay Fr. Moises Ciego, head for Special Operations ng Caritas Manila, limang buwan nang walang pasada ang mga tsuper dahil sa umiiral

Read More »
Economics
Veritas Team

COVID-19 pandemic, banta sa food security ng Pilipinas

 20,884 total views

 20,884 total views June 29, 2020, 12:00NN Manila, Philippines – Ibinahagi ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio “Ambo” David, Vice-President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na nakapa-seryoso ang epekto ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas. Inihayag ni Bishop David na magiging matindi ang epekto ng COVID-19 pandemic sa food security ng bansa bagama’t hindi pa ito

Read More »
Economics
Veritas Team

Garbage collectors, tinulungan ng Radio Veritas

 20,844 total views

 20,844 total views April 24, 2020, 2:46PM Nagpamigay ng mga relief pack para sa mga garbage collectors sa lungsod ng Quezon City ang Radio Veritas sa pakikipagtulungan sa The International Association of Lions Clubs Manila Excel district 201 – A3 sa pangunguna ni Stephen C. Chan. Sa inisyatibo ni Veritas Pilipinas anchor Ms. Jing Manipol Lanzona,

Read More »
Economics
Veritas Team

Simbahan handang tumulong sa gobyerno sa epekto ng Covid-19

 20,822 total views

 20,822 total views Handa ang Simbahang Katolika na maging katuwang ng gobyerno lalu’t nahaharap ang bansa sa krisis ng pandemya. Ito ang pahayag ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa nakikitang kakulangan ng gobyerno para tugunan ang mga pangangailangan ng mahihirap na Filipino. Sa ulat, higit sa 11 milyong manggagawa ang nawalan ng hanap buhay

Read More »
Economics
Veritas Team

Magsasaka at mangingisda, apektado na ng Enchanced Community Quarantine

 20,836 total views

 20,836 total views March 30, 2020, 3:35PM Nanawagan ang grupo ng mga mangingisda sa Kagawaran ng Agrikultura na direktang bumili ng mga produkto mula sa mga maliliit na mangingisda at magsasaka upang tulungan sila ngayong mahigpit na ipinatutupad ang community quarantine bunsod ng coronavirus disease. Ayon sa grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA),

Read More »
Economics
Veritas Team

400-libong urban poor families, natulungan ng Caritas Manila

 21,072 total views

 21,072 total views March 30, 2020, 2:15PM Aabot na sa P400 milyon o 400-libong urban poor families ang nabigyan ng gift certificates sa pamamagitan nang pakikipagtulungan ng mga negosyante sa Caritas Manila. Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila, ang mga gift certificate ay magagamit ng bawat pamilya para sa kanilang pangunahing

Read More »
Economics
Veritas Team

Simbahan, kaisa ng mamamayan sa panahon ng pangangailangan.

 20,297 total views

 20,297 total views March 24, 2020, 2:21PM Namahagi ng tulong ang Parokya ng San Martin Tours sa Bocaue, Bulacan para mga apektado ng pinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon bunsod na rin ng corona virus disease o COVID-19 outbreak. Sa pangunguna ni Bikaro Paroko Rev. Fr. Daniel “Dane” M. Coronel, kasama ang mga kursilista

Read More »
Economics
Veritas Team

Pantawid Gutom Program, inilunsad ng San Antonio Abad Parish

 20,410 total views

 20,410 total views March 20, 2020, 5:33PM Inilunsad ng San Antonio Abad Parish sa Maybunga sa Diyosesis ng Pasig sa pangunguna ng Kura Paroko na si Rev. Fr. Loreto “Jhun” Sanchez Jr. ang “Pantawid Gutom Program” na naglalayong tumulong sa mga mahihirap at mahihinang mamamamayan ng kanilang parokya. Sa mensahe ni Fr. Jhun Sanchez sa Radyo

Read More »
Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 20,123 total views

 20,123 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na pinakamabigat na kalbaryo sa mga mahihirap ang nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte na Republic Act 10963 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law.

Read More »
Economics
Veritas Team

Build, build,build project ng Duterte admin, makikinabang sa ASEAN Summit

 19,666 total views

 19,666 total views Positibo ang isang ekonomista na maghahatid ng pangmatagalang pakinabang ang pagiging host country ng Pilipinas sa 31st Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit 2017. Ayon kay University of Asia and the Pacific Professor Emeritus Bernardo Villegas, ang pagpapatibay ng koneksyon sa ibang mga member-state ng asosasyon ay siyang magdadala ng kaunlaran

Read More »
Economics
Veritas Team

Start up business, pinalalakas ng ASEAN slingshot

 19,649 total views

 19,649 total views Tugon para sa mga indibidwal na nagnanais magtayo ng negosyo ang inilunsad na Slingshot ASEAN Startup and Innovation Summit ng Department of Trade and Industry (DTI). Ayon kay DTI Undersecretary for Trade and Investments Promotion Group Nora Terrado, nagsisilbing instrumento ang Slingshot ASEAN upang mas palakasin ang startup business sa bansa at gawing

Read More »
Economics
Veritas Team

Kaligtasan ng IDPs, binigyang halaga

 19,659 total views

 19,659 total views Sumentro sa pagtataguyod ng karapatan ng mga internally displaced persons at kahandaan sa gitna ng sakuna ang paggunita sa International Day for Disaster Reduction (IDDR) at ASEAN Day for Disaster Management (ADDM) sa Quezon city. Sa ilalim ng temang “Ligtas na Tahanan Tungo sa Matatag na Pamilya at Komunidad”, nagsama-sama ang mahigit 150

Read More »
Economics
Veritas Team

Dahilan ng mataas na presyo ng pangunahing bilihin, isapubliko

 21,733 total views

 21,733 total views Ipaalam sa publiko ang rason sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin. Ito ang panawagan sa gobyerno ni Laban Konsyumer President at dating Department of Trade and Industry Undersecretary Vic Dimagiba. Aniya, hindi sapat na sabihin na tumaas lamang ang halaga ng isang partikular na produkto at serbisyo bagkus dapat na ipaliwanag sa mga

Read More »
Economics
Veritas Team

OFW bank, suportado ng CBCP-ECMIP

 19,789 total views

 19,789 total views Ikinatuwa ng Catholic Bishops conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pangako na pagtatatag ng bangko na laan para sa mga overseas Filipino workers (OFW). Ayon kay CBCP-ECMI chairman at Balanga Bishop Ruperto Santos, malaking tulong ang pagkakaroon ng

Read More »
Economics
Veritas Team

Sariling komisyon ng mga matatanda

 19,768 total views

 19,768 total views Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan. Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge Banal Sr., napapanahon na upang magkaroon ng bukod na komisyon na pangunahing mangangalaga sa karapatan at benepisyo ng mga senior citizen sa bansa. “Kailangang kailangan iyan sapagkat mayroon tayong council

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top