262 total views
Naniniwala ang Catholic Bishops Conference of the Philippine Episcopal Commission on Youth na dapat ang pamilya at komunidad ang humarap at magbigay solusyon sa laganap na paggamit ng ilegal na droga sa bansa.
Ayon kay Father Kunegundo Garaganta, executive secretary ng komisyon, ito na ang tamang panahon upang kumilos ang taumbayan kasabay ng kampanya ng pamahalaan na tuluyang sugpuin ang multi-bilyong pisong drug trade sa bansa.
Iginiit ni Father Garganta na matindi na ang epekto ng droga sa mga kabataan, sa pamilya at lipunan na dapat agarang mawala sa loob ng tahanan.
Nanindigan ang pari na kailangan nang kumilos ang lahat upang tunay na mangibabaw ang kabutihan laban sa masamang dulot ng paggamit at pagbebenta ng iligal na droga sa bansa.
“I believe this is a concern not only for the youth. The reality before us is asking us to confront this problem as a family and as a community. It is high time that we address the evil of drugs not in a departmentalized manner. Everyone has to cooperate and see how the common good is served,”pahayag ni Father Garganta sa Radio Veritas.
Sa report ng Philippine National Police, 70-porsyento ng mga krimen na nangyayari sa bansa ay may kaugnayan sa droga.
Iniulat naman ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na 92-percent ng mga barangay sa Metro Manila ay drug infested.