Hindi ma-pin down ang drug lords dahil sa body guards-Gen. Bato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 329 total views

Ipinaliwanag ng Philippine National Police kung bakit mayorya ng napapaslang at nahuhuli sa pinaigting na operasyon kontra iligal na droga ay maliliit na tao lamang.

Ayon kay PNP Chief Director Chief Supt. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, ito’y dahil mas marami ang maliit na drug pushers at users kumpara sa bilang ng mga drug lord bagamat aniya may napatay na ring isa, si alyas Jaguar na numero unong drug lord sa Visayas.

Pahayag pa ng PNP Chief, hindi rin basta-basta malapitan ang mga pinaghihinalaang drug lord na ang iba ay mga opisyal pa ng gobyerno gaya ng Mayor dahil sa may mga private-armed groups ang mga ito.

“Ganito yun, mas maraming maliliit kasi kaysa sa malalaki, kaya kung tayo ay nag all-out war against drugs, wala tayong pinipili maliit man o malaki sasagaan natin yan, pag ikaw ay nagkampanya ng all-out war kung sino mas marami sila ang naapektuhan, so far yung malalaking drug lord isa pa lang na drug lord ang napaslang natin si Jaguar number one drug lord sa Visayas ganun talaga, yung malalaki konti lang sila and they always come out clean hindi mo sila ma pinned down, ma-pin down mo man sila thru technical means pero yung harap-harapan, hindi mo sila maasahan na may hawak ng shabu o mag positive sila sa drug testing, yung iba mayor may body guard may sariling private armed group,” pahayag ni General Bato sa Radyo Veritas sa programang Barangay Simbayanan.

Samantala, iginiit ng bagong PNP chief na palagi niyang pinaaalalahanan ang kanyang mga tauhan na pairalin pa rin ang karapatang pantao sa kanilang mga operasyon kontra droga at kung may mga lumalabag sa kanyang kautusan.

“Binibigyan ko sila ng warning na huwag abusuhin ang trabaho nila, we must be very aggressive pero irespeto natin ang human rights…” ayon pa kay Bato.

Sa huling tala ng PNP, umakyat na sa 103 katao ang napapatay sa operasyon laban sa kampanya nila sa iligal na droga habang nasa 5,845 na mga hinihinalang drug pushers at users ang naaresto at sumuko mula lamang May 10 hanggang July 3 ng taon.

Nanguna ang Region 4-A sa may pinakamalaking bilang ng mga napatay na nasa 43 tao kung saan 5 heneral naman ng PNP ang isinasailalim ngayon sa ‘due process’ matapos masangkot sa iligal na droga.

Una nang inihayag ng Santo Papa Francisco na ang lahat ay may karapatang magbago lalo na ang mga nalululong sa bawal na gamot subalit kinakailangan ang suporta sa kanila ng lipunan at ng kanilang pamilya para sa tuluyan nilang paggaling na makatutulong sa pag-unlad ng kanilang sarili maging ng komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 53,915 total views

 53,915 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 71,815 total views

 71,815 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 118,381 total views

 118,381 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 106,112 total views

 106,112 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 123,482 total views

 123,482 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 31,533 total views

 31,533 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 243,090 total views

 243,090 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top