Pamilya ng mga nasawi sa war on drugs,bibigyang boses ng CHR.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 436 total reads

Bigyan ng boses ang mga naiwang mahal sa buhay ng mga namatay sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Ito ang paa-lala ng Commission on Human Rights o C-H-R kaugnay sa panibagong adbokasiya ng kagawaran na pagbibigay daan sa boses at kuwento ng mga namatayan ng kapamilya at mahal sa buhay sa patuloy na war on drugs ng pamahalaan.

Inihayag ni Atty. Jacqueline Ann de Guia – tagapagsalita ng C-H-R na kalimitang hindi nabibigyang pansin ang kalagayan ng mga naiwang kapamilya ng mga namatay sa operasyon ng mga pulis maging ito ay lehitimo o sa mga kaso ng death under investigation.

“Malimit nakakalimutan natin yung mga namatay ay may mga naiwang kababaihan,apektado sila, nagdurusa. Maraming epekto ito sa kanilang buhay pangkalahatan at mahalaga na bibigyan sila ng boses na pakinggan yung kanilang mga kwento…”pahayag ni CHR Spokesperson sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, sa Misang pinangunahan ni Novaliches Bishop Antonio Tobias para sa mga pamilya at biktima ng Extra-judicial killings ay nilinaw ng Obispo na katuwang ng pamahalaan ang Simbahan sa mga layunin nitong mapabuti ang bayan taliwas sa pinaniniwalaan ng marami na kinakalaban nito ang pamahalaan.

Pagbabahagi ni Bishop Tobias ang Simbahan, mga Obispo at mga Pari na pinagsasalitaan ng masama ng Pangulo ay ang mga tumutulong sa mga biktima ng malupit na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga, partikular na sa mga naiwang mahal sa buhay ng may higit sa 7-libong nasawi sa tinaguriang War on Drugs.

Habang sa kasalukuyan ay umaabot na sa higit 40-indibidwal ang namatay sa implementasyon ng “Project Double Barrel: Reloaded” ng PNP na nagsimula lamang noong buwan ng Marso.

Una na nang nilinaw ni CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas na buo ang suporta ng Simbahan sa mga programa ng pamahalaan tulad ng pagsusulong sa kapayapaan at pagpapaunlad sa buhay ng mahihirap ngunit hindi maaring manahimik na lamang basta sa mga programang labag sa moralidad at karapatang pantao ng bawat mamamayang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 77,799 total reads

 77,799 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 172,529 total reads

 172,529 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 216,797 total reads

 216,797 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 239,906 total reads

 239,906 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 311,537 total reads

 311,537 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top