Panagutin ang mga dapat panagutin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 458 total views

Mga Kapanalig, minsang sinabi ni Pangulong Duterte na “maligaya” siya kapag ang mga “kaibigan [niyang] tumutulong” ay “yumaman… nang yumaman.” Binanggit niya ang mga salitang ito noong isang taon sa isang talumpati at ipinagdidiinang galit siya sa mga oligarchs.

Fast-forward tayo sa kasalukuyan kung saan may mga kaibigan si Pangulong Duterte na diumano’y nakinabang sa mga malalaking transaksyon pa pamahalaan. Hindi pa natin alam kung ikaliligaya niya ito.

Sa pagdinig na ginagawa ng Senado sa pagbili ng Department of Health (o DOH) ng overpriced na face masks at face shields, lumutang ang pangalan ng ilang personalidad na sinasabing kaibigan ni Pangulong Duterte. Masyadong mahal ang pagkakabili ng DOH, sa pamamagitan ng Department of Budget and Management-Procurement Service (o DBM-PS), sa mga nasabing medical supplies. Ang face mask na nasa dalawa hanggang apat na piso lamang bawat piraso ay nabili ng DOH sa halagang halos tatlumpung piso. Ang face shield naman na ang suggested retail price ay hindi lalampas ng singkuwenta pesos bawat piraso ay nabili ng DOH sa halagang mahigit doble ng SRP.

Binili ng pamahalaan ang mga face masks at face shields na ito sa Pharmally Pharmaceutical Corporation, isang negosyong nakaugnay sa Pharmally International Holding Company ng China, na ang mga opisyal ay ipinakilala kay Pangulong Duterte ng kanyang dating economic adviser at negosyanteng kaibigan na si Michael Yang. Negosyante sa Davao si Michael Yang, at minsan nang idinawit ang kanyang pangalan sa illegal drug trade. Samantala, ang dating nangangasiwa ng DBM-PS na si former undersecretary Lloyd Christopher Lao ay kasamahan ni Pangulong Duterte sa kanilang fraternity at dating kasamahan sa Davao City noong mayor pa ng lungsod ang presidente. Ipinagtanggol ng pangulo ang mga kaibigan niyang sangkot diumano sa pagbili ng mga overpriced na face masks at face shields. Pero aniya, kung mapatutunayang may ginawa silang mali, dapat daw silang papanagutin.

Masalimuot ang isyung inuungkat ngayon ng Senado hindi lamang dahil sa mga personalidad na nabanggit kundi dahil ang mga kontratang pinasok ng pamahalaan para bilhin ang mga medical supplies na ito ay nagkakahalaga ng 8.68 bilyong piso! Napakalaging halaga, hindi po ba? Kung mapatutunayang may anomalya sa paggamit ng pondong ito ng DOH at may mga nakinabang rito, napakalaking insulto ito sa ating mga nagbabayad ng buwis, lalo na sa mga medical frontliners na pagod na pagod nang humaharap sa laban natin kontra COVID-19.

Tunay na marami na tayong alalahanin sa buhay, ngunit dapat pa rin nating subaybayan ang mga balitang may kinalaman sa paggamit ng kaban ng bayan, katulad nitong kuwestiyonableng transaksyon ng DOH sa sinasabing pinapaborang kompanya. Buwis natin ang pinangangambahan nating nawaldas dahil sa katiwalian. Sabi nga ni Pope Francis sa Laudato Si’, ang mga patakaran ng isang malusog, ganap, at malayang lipunan ay naglalayong sugpuin ang kurapsyon. Sa Pilipinas, marami na tayong mga patakaran at pamamaraan upang labanan ang katiwalian, ngunit marami rin ang nakalulusot dahil hinahayaan silang lumusot. Marami na tayong natunghayang pagdinig at imbestigasyon tungkol sa mga sinasabing katiwalian sa pamahalaan, pero hindi naman talaga natutuldukan. Nawawalan din ng saysay ang pagpapanagot dahil kinukunsinti ng mga nasa poder ang mga gumagawa ng baluktot. Ang mas nakalulungkot pa, para na rin nating natanggap na “normal” na sa ating bayan ang katiwalian.

Mga Kapanalig, huwag nating hayaang mangyari sa atin ang nasasaad sa Habakuk 1:4, “Ang batas ay walang bisa at walang pakinabang, at hindi umiiral ang katarungan.” Una sa lahat, magkaroon sana ng katuturan ang ginagawang pagdinig ng mga senador. Ikalawa, maging tapat sana ang administrasyon sa pangako nitong paiiralin ang malinis na pamamahala, kahit pa masagasaan ang mga kaibigan ng ating mga lider. Panagutin ang mga dapat panagutin.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 146,628 total views

 146,628 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 146,628 total views

 146,628 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 146,628 total views

 146,628 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 142,280 total views

 142,280 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 129,825 total views

 129,825 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Isa pang state of emergency

 146,629 total views

 146,629 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 146,629 total views

 146,629 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 146,629 total views

 146,629 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 142,281 total views

 142,281 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »
Scroll to Top