Kalikasan, lubhang apektado ng COVID 19 pandemic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,157 total reads

Iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ang coronavirus pandemic ay hindi lamang sa kalusugan ng tao at ekonomiya ng bansa nakakaapekto.

Ayon kay CBCP-Permanent Committee on Public Affairs chairman at Imus Bishop Reynaldo Evangelista, ang pandemya ay nagdudulot din ng masamang epekto sa kalikasan at maaari pang magdulot nang mas matinding panganib sa mga tao.

Paliwanag ng Obispo, ito’y bunsod ng mga nalilikhang basura ng mga tao mula sa mga gamit na face masks, face shields at personal protective equipments bilang pag-iingat sa COVID-19, gayundin ang mga plastic mula sa mga produkto ng online shopping.

“Bagama’t may naidulot na positibong bahagi ang pandemya katulad ng low carbon emissions ng sasakyan at pabrika… nadagdagan naman nang malaki ang basura dulot ng mga ginamit na face masks, face shields, PPE at mataas na consumer spending,” bahagi ng pahayag ni Bishop Evangelista sa kanyang liham-pastoral.

Dagdag pa ni Bishop Evangelista na batid din ngayong pandemya ang pagtaas ng konsumo ng enerhiya dulot ng mga online activities sa loob ng mga tahanan katulad ng work-from-home, online classes at iba pang paraan na naglilimita sa kilos ng mga tao sa pampublikong lugar para makaiwas na mahawaan ng COVID-19.

Ipinaalala naman ng Obispo sa bawat mananampalataya na kasabay ng pangangalaga sa kalusugan upang makaiwas sa sakit ay ang pangangalaga rin para sa ating nag-iisang tahanan.

“Huwag nating kalilimutan na habang iniingatan natin ang ating kalusugan at mga pangangailangan ng ating pamilya, obligasyon din nating hilumin at pangalagaan ang ating kalikasan na siyang ating tahanan o common home,” ayon sa Obispo.

Kaugnay nito, hinihikayat ng CBCP ang bawat isa na ipanalangin na maging matiwasay at makabuluhan ang isasagawang United Nations Conference (COP 15) sa Oktubre at UN Climate Change Conference (COP 26) sa Nobyembre na magkaugnay sa layuning matugunan ang ang mga suliranin hinggil sa climate change na nagiging resulta ng pagkasira naman ng biodiversity.

Gayundin ang panawagang makiisa sa Healthy Planet, Healthy People petition na ang layunin nama’y hikayatin ang mga pinuno ng iba’t ibang bansa upang makalikha ng mga desisyon na naaangkop para sa kalikasan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 9,785 total reads

 9,785 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 9,912 total reads

 9,912 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 18,271 total reads

 18,271 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 74,677 total reads

 74,677 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 198,178 total reads

 198,178 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 282,643 total reads

 282,643 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,193 total reads

 175,193 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top