Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panagutin ang mga dapat panagutin

SHARE THE TRUTH

 138 total views

Mga Kapanalig, minsang sinabi ni Pangulong Duterte na “maligaya” siya kapag ang mga “kaibigan [niyang] tumutulong” ay “yumaman… nang yumaman.” Binanggit niya ang mga salitang ito noong isang taon sa isang talumpati at ipinagdidiinang galit siya sa mga oligarchs.

Fast-forward tayo sa kasalukuyan kung saan may mga kaibigan si Pangulong Duterte na diumano’y nakinabang sa mga malalaking transaksyon pa pamahalaan. Hindi pa natin alam kung ikaliligaya niya ito.

Sa pagdinig na ginagawa ng Senado sa pagbili ng Department of Health (o DOH) ng overpriced na face masks at face shields, lumutang ang pangalan ng ilang personalidad na sinasabing kaibigan ni Pangulong Duterte. Masyadong mahal ang pagkakabili ng DOH, sa pamamagitan ng Department of Budget and Management-Procurement Service (o DBM-PS), sa mga nasabing medical supplies. Ang face mask na nasa dalawa hanggang apat na piso lamang bawat piraso ay nabili ng DOH sa halagang halos tatlumpung piso. Ang face shield naman na ang suggested retail price ay hindi lalampas ng singkuwenta pesos bawat piraso ay nabili ng DOH sa halagang mahigit doble ng SRP.

Binili ng pamahalaan ang mga face masks at face shields na ito sa Pharmally Pharmaceutical Corporation, isang negosyong nakaugnay sa Pharmally International Holding Company ng China, na ang mga opisyal ay ipinakilala kay Pangulong Duterte ng kanyang dating economic adviser at negosyanteng kaibigan na si Michael Yang. Negosyante sa Davao si Michael Yang, at minsan nang idinawit ang kanyang pangalan sa illegal drug trade. Samantala, ang dating nangangasiwa ng DBM-PS na si former undersecretary Lloyd Christopher Lao ay kasamahan ni Pangulong Duterte sa kanilang fraternity at dating kasamahan sa Davao City noong mayor pa ng lungsod ang presidente. Ipinagtanggol ng pangulo ang mga kaibigan niyang sangkot diumano sa pagbili ng mga overpriced na face masks at face shields. Pero aniya, kung mapatutunayang may ginawa silang mali, dapat daw silang papanagutin.

Masalimuot ang isyung inuungkat ngayon ng Senado hindi lamang dahil sa mga personalidad na nabanggit kundi dahil ang mga kontratang pinasok ng pamahalaan para bilhin ang mga medical supplies na ito ay nagkakahalaga ng 8.68 bilyong piso! Napakalaging halaga, hindi po ba? Kung mapatutunayang may anomalya sa paggamit ng pondong ito ng DOH at may mga nakinabang rito, napakalaking insulto ito sa ating mga nagbabayad ng buwis, lalo na sa mga medical frontliners na pagod na pagod nang humaharap sa laban natin kontra COVID-19.

Tunay na marami na tayong alalahanin sa buhay, ngunit dapat pa rin nating subaybayan ang mga balitang may kinalaman sa paggamit ng kaban ng bayan, katulad nitong kuwestiyonableng transaksyon ng DOH sa sinasabing pinapaborang kompanya. Buwis natin ang pinangangambahan nating nawaldas dahil sa katiwalian. Sabi nga ni Pope Francis sa Laudato Si’, ang mga patakaran ng isang malusog, ganap, at malayang lipunan ay naglalayong sugpuin ang kurapsyon. Sa Pilipinas, marami na tayong mga patakaran at pamamaraan upang labanan ang katiwalian, ngunit marami rin ang nakalulusot dahil hinahayaan silang lumusot. Marami na tayong natunghayang pagdinig at imbestigasyon tungkol sa mga sinasabing katiwalian sa pamahalaan, pero hindi naman talaga natutuldukan. Nawawalan din ng saysay ang pagpapanagot dahil kinukunsinti ng mga nasa poder ang mga gumagawa ng baluktot. Ang mas nakalulungkot pa, para na rin nating natanggap na “normal” na sa ating bayan ang katiwalian.

Mga Kapanalig, huwag nating hayaang mangyari sa atin ang nasasaad sa Habakuk 1:4, “Ang batas ay walang bisa at walang pakinabang, at hindi umiiral ang katarungan.” Una sa lahat, magkaroon sana ng katuturan ang ginagawang pagdinig ng mga senador. Ikalawa, maging tapat sana ang administrasyon sa pangako nitong paiiralin ang malinis na pamamahala, kahit pa masagasaan ang mga kaibigan ng ating mga lider. Panagutin ang mga dapat panagutin.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 2,527 total views

 2,527 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 8,500 total views

 8,500 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 14,255 total views

 14,255 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 21,518 total views

 21,518 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 29,503 total views

 29,503 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 2,528 total views

 2,528 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 8,501 total views

 8,501 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 14,256 total views

 14,256 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 21,519 total views

 21,519 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 29,504 total views

 29,504 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,188 total views

 35,188 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,192 total views

 47,192 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,234 total views

 55,234 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,791 total views

 46,791 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,216 total views

 45,216 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,002 total views

 47,002 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,927 total views

 43,927 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,241 total views

 58,241 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,931 total views

 61,931 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,534 total views

 60,534 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top