Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panagutin naman natin sila

SHARE THE TRUTH

 15,529 total views

Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay pamumulitika lamang. Away lang daw ito ng mga maimpluwensyang angkan sa pulitika at kani-kanilang mga kakampi. Agawan lang daw ito ng kapangyarihan. Wala naman daw itong maidudulot na mabuti sa mga mamamayan. Mapapababa raw ba nito ang presyo ng mga bilihin? Gagaan ba ang gastos ng mga nasa ospital? Magiging magaan ba ang gastusin sa pag-aaral? Gaganda raw ba ang buhay ng mga Pilipino?

Malinaw na hindi masasagot ng impeachment trial ang mga isyung malapit sa sikmura, ‘ika nga. Pero sa pamamagitan ng pagpapanagot sa mga lingkod bayan, magkakaroon tayo ng isang pamahalaang matatag at mapagkakatiwalaan. Kung matatag at mapagkakatiwalaan ang ating gobyerno, makakikilos ito para makapaghatid ng mga serbisyong kailangan ng mga mamamayan.

Iyan ang nais iparating na mensahe ng grupong Stratbase Institute. Ang tinatawag na accountability ay pundasyon daw ng matatatag at mapagkakatiwalaang mga institusyon, katulad ng gobyerno. Ang accountability ay tumutukoy sa pagpapanagot sa mga nagpapatakbo ng ating pamahalaan. Itinatanong dito: tapat ba sila sa kanilang tungkulin? Malinis ba ang kanilang pamamahala? Maayos ba nilang ginagasta ang pera ng bayang ipinagkakatiwala sa kanila? 

Pagbibigay-diin pa ng Stratbase Institute, “The strength of our institutions is measured not by the authority, but by how openly and honestly authorities can be questioned, corrected, and held accountable for their actions.” Hindi nasusukat ang katatagan ng ating mga institusyon sa lakas o kapangyarihan ng mga nakaupo. Nasusukat ito sa kabukasan at katapatan ng mga may tangan ng kapangyarihang nagmula sa taumbayan. Dapat bukás sila sa mga tanong, bukás na ituwid, at bukás na managot para sa kanilang aksyon, lalo na kung labag ito sa batas.

Hiráp tayong mga Pilipinong maunawaan ang mga bagay na ito. Nasanay—o sinanay—kasi tayo sa pamumunong nakasentro sa mga lider. Akala natin, dapat silang katakutan, dapat sundin, at hindi kinukuwestyon. Tagatanggap lang tayo ng kung anong ibibigay nila, at kitang-kita iyan sa hindi natin pagbusisi sa napakarami nang ayudang ipinamumudmod sa mga tao. Para sa marami sa atin, may silbi lamang ang gobyerno kung may natatanggap tayo sa kanila, kahit gaano kaliit o kahit kulang pa ito. Sinasabihan nga tayong magpasalamat na lang. Mas mabuting may natatanggap kaysa wala. Mas mabuting may pera o trabahong tatagal lang ng ilang araw kahit pa wala tayong malinis na tubig, murang kuryente, ligtas na mga kalsada, at kumpletong pasilidad sa mga pampubling paaralan at ospital. Okay lang na may ayuda kahit nagnanakaw ang ating mga lider. Mali ang mga ito, mga Kapanalig.

Hindi man natin maiiwasang sumentro sa mga personalidad ang isasagawang impeachment trial, subukan pa rin natin—lalo na ng mga mambabatas na tatayong mga miyembro ng impeachment court—na suriin, kilatisin, at timbanging mabuti ang mga ebidensya. Ito naman ang punto ng impeachment trial—ang ilatag ang mga ebidensya laban sa isang lider at bigyan siya ng pagkakataong magpaliwanag. Kung walang impeachment trial, para na ring aprub sa atin ang gobyernong may itinatago sa taumbayan. Kahit sa mga panlipunang turo ng Simbahan, gaya ng Pacem in Terris, ipinaliliwanag na ang kapangyarihan ng mga nasa gobyerno ay dapat ginagamit para pagsilbihan ang kabutihang panlahat, hindi ang interes ng isa o iilang tao. Salungat dito ang pagtatago sa mga baluktot na gawain ng ating mga lider.

Mga Kapanalig, sa pagsisimula ng impeachment trial kay VP Sara, ipagdasal nating lumabas ang katotohanan—ang katotohanang magpapalaya sa atin, pangaral nga sa Juan 8:32. Sa impeachment trial, maramdaman sana ng ating mga lider na binabantayan at pinananagot natin sila. 

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 2,508 total views

 2,508 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 15,530 total views

 15,530 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 32,410 total views

 32,410 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 43,842 total views

 43,842 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 59,372 total views

 59,372 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 32,411 total views

 32,411 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMERO

 43,843 total views

 43,843 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

UNAWAIN AT MAGTIIS

 59,373 total views

 59,373 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunay na boses ng kabataan

 56,773 total views

 56,773 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top