Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panalangin ni Cardinal Advincula sa bagyo at lindol

SHARE THE TRUTH

 655 total views

Hiniling sa Panginoong Diyos ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na i-adya ang mamamayan sa panganib at sakuna na dulot ng lindol at matinding pagbaha sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Ipinagdarasal din ni Cardinal Advincula sa Panginoon na pahupain ang masungit na panahon at mawala ang banta ng lindol.

Dakong 4:48 ng umaga ng tumama ang 6.6 magnitude na lindol sa Calatagan Batangas na naramdaman sa Mindoro Provinces at National Capital Region, Bulacan at Cavite.

Lubog din sa tubig baha ang maraming lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan gayundin sa probinsiya ng Mindoro, Romblon, Marinduque dulot ng walang tigil na pag-uulan na sanhi ng Habagat at bagyong Fabian.

PANALANGIN

Panginoong Diyos, ikaw ang lumikha ng langit at lupa.

Ikaw din ang mapagmahal naming Ama. Ingatan mo kami sa mga panganib at sakuna na dulot ng malakas na pag-ulan, pagbaha, at lindol.

I-unat mo ang iyong mga makapangyarihang kamay upang pahupain ang masungit na panahon at mawala ang banta ng lindol. I-unat mo din ang aming mga kamay sa pagtulong at pagdamay sa mga kapatid naming labis na naaapektuhan ng mga sakunang ito.

At turuan mo kaming alagaan at pahalagahan ang kalikasan na iyong handog sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesuskristo, kasama ng Espiritu Santo, sa tulong ng panalangin ng Mahal na Birheng Maria. Amen.

H.E Jose Cardinal Advincula
Archbishop Archdiocese of Manila

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 34,082 total views

 34,082 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 40,306 total views

 40,306 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 48,999 total views

 48,999 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 63,767 total views

 63,767 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 70,887 total views

 70,887 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Arnel Pelaco

Protect Wildlife project, inilunsad.

 413 total views

 413 total views Inilunsad ng Department of Environment and Natural resources at United States Agency for International Development o USAID ang Protect Wildlife Project para lalong mapangalagaan ang biodiversity ng Pilipinas. Ayon kay Environment Secretary Gina Lopez, ito’y bilang bahagi na rin ng World Wilflife celebration ngayong buwan ng Marso. Samantala, binigyang diin rin ng kalihim

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top