Panalangin, sandata sa kinakaharap na suliranin ng mundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 56,909 total views

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na maituturing na sandata ang panalangin mula sa patuloy na mga suliraning kinahaharap ng daigdig.

Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Stewardship, sa kabila ng malawakang suliranin sa patuloy na nagaganap na mga digmaan at kaguluhan sa iba’t ibang panig ng mundo ay naangkop lamang na gamitin ng bawat isa ang pananalangin at pag-aayuno bilang sandata upang hilingin ang paggabay at pamamatnubay ng Panginoon.

Ito ang bahagi ng mensahe ng Obispo kaugnay sa panawagan ni Pope Leo XIV na pag-aalay ng bawat isa ng Araw ng Pag-aayuno at Pananalangin para sa Kapayapaan kasabay ng paggunita sa Feast of the Queenship of Mary-Queen of Peace.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, mahalaga ang pakikiisa ng lahat sa panawagan ng Santo Papa upang sama-samang hilingin ang pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria sa pagsusumamo sa Panginoon para sa kapayapaan at kaayusan ng daigdig.

“Alam po natin malaki ang problema sa mundo ng digmaan, ng kaguluhan at may tanging sandata tayo na sana gamitin natin, yan po yung ating panalangin at samahan natin ng pag-aayuno ang ating panalangin, kaya sana po makiisa tayo sa panawagan ni Papa Leon para po sa kapayapaan kasama ang ating Mahal na Ina na siyang Queen of Peace at bigyan tayo ng kapayapaan sa ating mundo, magdasal po tayo at mag-ayuno.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Sa bahagi ng Simbahan, itinuturing ang pag-aayuno at pananalangin bilang makapangyarihang gawaing espirituwal na hindi lamang humuhubog sa personal na kabanalan ng bawat isa, kundi nagsisilbi ring panlipunang panawagan para sa pagkakaisa, kapatawaran, at tunay na kapayapaan.

Una ng binigyang diin ni Pope Leo XIV na ang kapayapaan ay bunga ng katarungan, pagkakapatiran at pagmamahal, kaya naman patuloy ang panawagan ng Santo Papa sa bawat mananampalataya na makiisa hindi lamang sa pananalangin kundi sa pagiging saksi ng pag-ibig ng Diyos sa gitna ng kaguluhan at pagdurusa ng nararanasan ng sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 164,317 total views

 164,317 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 186,427 total views

 186,427 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 258,983 total views

 258,983 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 249,767 total views

 249,767 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top