Pagtatalaga sa Our Lady of Aranzazu na national shrine, isang spiritual beacon-Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 76,983 total views

Inihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na ang pagkatalagang national shrine ng isang simbahan ay hindi lamang isang titulo, kundi isang banal na pagtitiwala sa malalim na debosyon ng mananampalataya.

Ito ang mensahe ng obispo sa solemn declaration ng National Shrine of Our Lady of Aranzazu sa San Mateo, Rizal noong Agosto 22, kasabay ng pagdiriwang ng Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria.

Sinabi ni Bishop Santos na ito ay paalala sa bawat mananampalataya na ang pag-angat sa estado ng dambana ay may kaakibat na gampanin sa pagpapalawak ng debosyon at pagpapalalim ng pananampalataya.
“This is a blessing we must care for. A National Shrine is not just a beautiful church – it is a spiritual beacon. It must be a place of refuge, of healing, of encounter with the Lord and with our Blessed Mother,” ayon kay Bishop Santos.

Hamon ni Bishop Santos sa pamayanan ng San Mateo na ipamalas sa buong bansa at sa mundo na ang national shrine ay hindi lamang isang titulo, kundi isang lugar ng kabanalang makikita sa mamamayan at mga deboto.

“Let this be a place where prayers rise like incense, where the poor are welcomed, where families are strengthened, and where vocations are nurtured. Let this be a shrine that speaks not only to San Mateo, but to the whole Philippines,” ani Bishop Santos.

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle, Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization ng Vatican, ang ritwal ng deklarasyon, katuwang si Bishop Santos.

Sa homiliya ng kardinal, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapalawak ng misyon ng dambana upang tugunan ang mga suliranin sa lipunan, sapagkat dito matatagpuan ang Mahal na Birheng Maria na umaakay sa bawat isa tungo sa landas ni Hesus.

Tinukoy ni Cardinal Tagle ang sinabi ng Diyos kay Adan sa Aklat ng Genesis, na isinumpa ang lupa dahil sa kasalanan ng tao, at iniugnay ito sa mga kasalukuyang pangyayari sa bansa at sa buong mundo.

Ayon sa kardinal, ang mga nangyayaring isyu tulad ng paglapastangan sa likas na yaman ay bunga ng kapabayaan ng tao.

“Mahalagang paalala yan sa atin nangyayari sa Pilipinas at sa ibang bahagi ng mundo, ang lupa ay parang tinik. At yan ay dahil sa kagagawan ng tao. Mga dating palayan na ngayon ay parang hindi na mamunga-munga, kaunting ulan nagiging mistulang dagat; kapag nawalan ng responsibilidad, kapag namayani ang pagkaganid, nasisira ang lupa, nasisira ang dagat, nasisira ang kalikasan, at ang ating mga trabaho nadadagdagan pa ng korapsyon, ang magiging bunga – tinik, pero huwag tayong mabahala, ang Mahal na Ina nandiyan,” saad ni Cardinal Tagle.

Samantala, sa hiwalay na panayam ng Radyo Veritas kay Fr. Rodrigo Eguia, rector at parish priest ng dambana, ikinalugod nito ang pagkatalagang pambansang dambana at tiniyak na patuloy na itataguyod ang misyon at paglingap sa mamamayan.
Umaasa ang pari na maging bukal ng pag-asa sa bawat peregrinong dadalaw sa dambana ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Aranzazu.

“Sana ang pagiging national shrine ng dambana ng Our Lady of Aranzazu ay magdudulot ng higit na pag-asa, lalo na sa mga nahihirapan, may mga pinagdadaanan at nahaharap sa anumang pagsubok na sa pamamagitan ng Mahal na Birhen ay masumpungan ang liwanag ng pag-asang hatid ni Hesus,” pahayag ni Fr. Eguia.
Inaanyayahan ng pari ang mga deboto na dumalaw sa dambana, sapagkat ito ay bukas sa lahat ng pagkakataon upang tanggapin ang mga naghahanap ng kalinga, gayundin ang pagbibigay ng mga sakramento tulad ng kumpisal.

Matatandaang sa ika-129 plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines noong Enero 2025, nagkaisa ang mga obispong gawing national shrine ang dambana ng Mahal na Birheng ng Aranzazu, ang patrona ng Northern Rizal o ng mga bayan ng San Mateo at Montalban.
Batay sa kasaysayan, unang itinatag ng mga Agustinong misyonero ang parokya ng San Mateo noong 1596, habang ang debosyon sa Birhen ng Aranzazu ay nagsimula noong 1716 sa pamamagitan ng Heswitang si Fr. Juan Echazabal.

Dumalo at nakiisa sa pagdiriwang sina Gumaca Bishop Euginus Canete, Nueva Segovia Archbishop Marlo Peralta at mga pari ng Diocese of Antipolo at mga bisitang pari mula sa iba’t ibang diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 8,436 total views

 8,436 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 78,548 total views

 78,548 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 153,162 total views

 153,162 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 233,241 total views

 233,241 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 276,281 total views

 276,281 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top