Panalangin, sandata sa kinakaharap na suliranin ng mundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 57,107 total reads

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na maituturing na sandata ang panalangin mula sa patuloy na mga suliraning kinahaharap ng daigdig.

Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Stewardship, sa kabila ng malawakang suliranin sa patuloy na nagaganap na mga digmaan at kaguluhan sa iba’t ibang panig ng mundo ay naangkop lamang na gamitin ng bawat isa ang pananalangin at pag-aayuno bilang sandata upang hilingin ang paggabay at pamamatnubay ng Panginoon.

Ito ang bahagi ng mensahe ng Obispo kaugnay sa panawagan ni Pope Leo XIV na pag-aalay ng bawat isa ng Araw ng Pag-aayuno at Pananalangin para sa Kapayapaan kasabay ng paggunita sa Feast of the Queenship of Mary-Queen of Peace.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, mahalaga ang pakikiisa ng lahat sa panawagan ng Santo Papa upang sama-samang hilingin ang pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria sa pagsusumamo sa Panginoon para sa kapayapaan at kaayusan ng daigdig.

“Alam po natin malaki ang problema sa mundo ng digmaan, ng kaguluhan at may tanging sandata tayo na sana gamitin natin, yan po yung ating panalangin at samahan natin ng pag-aayuno ang ating panalangin, kaya sana po makiisa tayo sa panawagan ni Papa Leon para po sa kapayapaan kasama ang ating Mahal na Ina na siyang Queen of Peace at bigyan tayo ng kapayapaan sa ating mundo, magdasal po tayo at mag-ayuno.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Sa bahagi ng Simbahan, itinuturing ang pag-aayuno at pananalangin bilang makapangyarihang gawaing espirituwal na hindi lamang humuhubog sa personal na kabanalan ng bawat isa, kundi nagsisilbi ring panlipunang panawagan para sa pagkakaisa, kapatawaran, at tunay na kapayapaan.

Una ng binigyang diin ni Pope Leo XIV na ang kapayapaan ay bunga ng katarungan, pagkakapatiran at pagmamahal, kaya naman patuloy ang panawagan ng Santo Papa sa bawat mananampalataya na makiisa hindi lamang sa pananalangin kundi sa pagiging saksi ng pag-ibig ng Diyos sa gitna ng kaguluhan at pagdurusa ng nararanasan ng sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 18,190 total reads

 18,190 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 55,947 total reads

 55,947 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 74,158 total reads

 74,158 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 158,486 total reads

 158,486 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 194,994 total reads

 194,994 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,146 total reads

 37,146 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top