PBBM, hinamong magtatag ng independent body sa maanomalyang flood control projects

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 52,436 total reads

Nanawagan ang opisyal ng Caritas Novaliches sa pamahalaan na magtatag ng isang independent body na may sapat na kapangyarihan upang mangalap ng dokumento at ebidensiya kaugnay sa mga sinasabing anomalya sa mga flood control projects sa bansa na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong piso.

Ayon kay Fr. Joel Saballa, Deputy executive director ng Caritas Novaliches, magiging mas kapani-paniwala ang resulta ng imbestigasyon kung ito ay pangungunahan ng isang independent group.

“Mas magiging credible ang imbestigasyon kung magtatayo tayo ng independent body na may kapangyarihan na kumuha ng mga documents para malaman kung sino talaga ang pasimuno at nakinabang,” ayon sa pari.

Iginiit din ni Fr. Saballa na dapat pansamantalang bumitiw sa puwesto ang mga opisyal na nasasangkot sa alegasyon upang matiyak na hindi sila makakaimpluwensya sa proseso.
“We should be objective to this. Kailangan may makasuhan dito. Economic sabotage ito, hindi lang simpleng kurapsyon. Panahon na para panagutin sila,” dagdag pa niya.

Binatikos din ng pari ang mga mambabatas na sinasabing sangkot sa iregularidad at nanawagan ng mas mabigat na pananagutan. “Sana may managot na congressman at senador kung kinakailangan,” giit ni Fr. Saballa.

Binigyang-diin ng pari na ang laban kontra korapsyon ay hindi lamang usapin ng batas kundi usapin din ng moralidad at pananagutan sa taumbayan.

Samantala, una nang nagtatag ang Kamara ng Tri-Committee upang magsagawa ng imbestigasyon sa mga alegasyon ng anomalya sa flood control projects, kung saan nasasangkot ang ilang mambabatas.

Ang hakbang ay kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinangalanan ang 15 pangunahing contractor na nakakuha ng pinakamaraming flood control projects sa bansa.

Kabilang dito ang Legacy Construction Corp.; Alpha & Omega General Contractor & Development Corp.; St. Timothy Construction Corp.; QM Builders; EGB Construction Corp.; Topnotch Catalyst Builders Inc.; Centerways Construction & Development Inc.; Sunwest Inc.; Hi-Tone Construction and Development Inc.; Triple 8 Construction & Development Corp.; Royal Crown Monarch Construction & Supplies Corp.; Wawao Builders; MG Samidan Construction; L.R. Tigqui Builders Inc.; at Road Edge Trading & Development Services.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 79,466 total reads

 79,466 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 114,034 total reads

 114,034 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 149,334 total reads

 149,334 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 375,603 total reads

 375,603 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 264,714 total reads

 264,714 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 12,582 total reads

 12,582 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top