VeritasPH

The Word, The Truth

Pananamantala ng mga negosyante sa pagsabog ng bulkang Taal, pinuna ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 240 total views

Pinuna ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care ang mga negosyanteng nananamantala sa pagsabog ng bulkang Taal upang kumita.

Ayon kay Rev. Fr. Dan Cansino – Executive Secretary ng kumisyon, hindi dapat samantalahin ng mga negosyante ang kasalukuyang sitwasyon upang magtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan tulad na lamang ng face masks.

Iginiit ng Pari na kung hindi maaring ibahagi ng libre sa nangangailangan ang mga face masks ay marapat na panatilihin o mas babaan pa ang presyo nito sa merkado.

Inihayag ni Father Cancino na ang mga face mask ang pangunahing proteksyon na kakailanganin ng bawat mamamayan mula sa abo na ibinubuga ng bulkan.

”Huwag po sana nating i-take advantage itong pagkakataong ito na magtaas ng mga presyo ito (face masks) ay isang pangangailangan ng mga tao at sana kung pangangailangan ng tao mas babaan pa natin o kung hindi man tayo ay mas magkaroon pa ng kagandahang loob na gawin nating libre kung hindi man babaan natin (ang presyo) at ibigay natin ito sa mga nangangailangan…” pahayag ni Fr. Cansino sa panayam sa Radyo Veritas.

Iginiit ni Fr. Cansino na maituturing na isang paraan ng pagnanakaw ang pananamantala sa mga nangangailangan sa gitna ng isang masamang sitwasyon.

Ipinaliwanag ng Pari na bilang iisang sambayanan at anak ng Diyos ay mas naaangkop na magtulungan ang bawat isa sa halip na manamantala.

“Huwag po natin itong i-take advantage dahil kapag tayo po ay nagti-take advantage ito po ay paraan ng pagnanakaw lalong lalo na sa mga nangangailangan kaya pagpalain po sana kayo ng Diyos nawa haplusin ng Diyos ang inyong mga puso ng patuloy niyang pagpapala…” paalala ni Fr. Cansino.

Hinimok rin ni Fr. Cansino ang mga health worker sa bansa na mag-organisa at magtungo sa mga lugar at kumunidad na apektado ng pagsabog ng bulkang Taal upang mabigyan ng atensyong medikal at matiyak ang kalusugan ng mga apektadong residente.

“Humihimok tayo ng ating mga health care workers na mag-organisa at pumunta doon sa area kung saan po nandoon ang ating mga kapanalig na na-evacuate para mapanatili yung kanilang mga kalusugan, so yun po ang ating gagawin nag-oorganize po tayo para lalong lalo na sa mga matatanda, sa mga bata at sa mga may karamdaman…” Apela pa ni Rev. Fr. Dan Cansino.

Batay sa inilabas na abiso ng Department of Health (DOH), ang ash fall o mala-pulbos na buhangin na ibinubuga ng bulkan ay nagtataglay ng carbon dioxide at flourine na makasasama sa kalusugan ng taong makakalanghap nito na maaring magdulot ng pangangati ng ilong o lalamunan, ubo, bronchitis, pamumula ng mata, hirap sa paghinga, at mga problema sa balat.

Sa panlipunang turo ng Simbahan, kailangang may batayang moral ang anumang uri ng pagtataas sa presyo ng bilihin at hindi dapat ito makakaapekto sa kapakanan ng ordinaryong mamamayan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 856 total views

 856 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 8,392 total views

 8,392 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 24,378 total views

 24,378 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 32,423 total views

 32,423 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 37,503 total views

 37,503 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

LASAC, nanawagan ng N95 facemasks donation

 6,961 total views

 6,961 total views Nananawagan ang Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) para sa donasyon ng N95 face mask para sa mamamayang apektado ng malawakang volcanic fog o vog na ibinubuga ng bulkang Taal. Ayon sa LASAC, higit na kinakailangan ang N95 facemask sa lalawigan ng Batangas bilang proteksyong pangkalusugan lalo na para sa mga residenteng malapit

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

CBCP nakikiisa sa mga biktima ng wildfire sa Hawaii

 3,056 total views

 3,056 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa mga biktima ng wildfire sa Lahaina, Maui, Hawaii. Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos – vice chairman ng komisyon, mahalaga ang pakikiisa ng mamamayan sa pananalangin para sa mga biktima ng malawakang sunog sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

ACN, umaapela ng tulong para sa Turkey at Syria

 2,159 total views

 2,159 total views Umapela ng tulong at panalangin ang sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need-Philippines para sa mga biktima ng dalawang malakas na lindol sa bansang Turkey at Syria. Ayon kay ACN Philippines acting president Msgr. Gerardo Santos, ang anumang donasyon na matatanggap ng sanggay ng ACN

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Alalahanin at ipanalangin ang mga nasalanta ng super Typhoon Yolanda.

 1,518 total views

 1,518 total views Ito ang panawagan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa paggunita ng ika-siyam na taon mula ng manalasa ang Super Typhoon Yolanda na may international name na Haiyan sa bansa noong November 8, 2013. Ayon sa Obispo, mahalagang patuloy na alalahanin at ipanalangin ang mga nasalanta ng Super Typhoon

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Kultura ng pagmamalasakit, panawagan ng SLP

 1,246 total views

 1,246 total views Ugaliin ang kultura ng pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa oras ng mga kalamidad at sakuna. Ito ang panawagan ni Sangguniang Laiko ng Pilipinas National President Raymond Daniel Cruz, Jr. kaugnay sa pananalasa ng bagyong Paeng sa bansa. Ayon kay Cruz, bukod sa paghahanda sa banta ng bagyo sa iba’t ibang lugar ay

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Manila North at Manila South cemeteries, isinara sa publiko

 3,277 total views

 3,277 total views Ipinag-utos ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang pansamantalang pagsasara sa publiko ng Manila North at Manila South cemeteries ngayong araw ng Sabado, ika-29 ng Oktubre, 2022. Ang naturang hakbang ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ay bahagi ng pag-iingat ng lokal na pamahalaan sa publiko mula sa pananalasa ng bagyong Paeng kung saan kasalukuyang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Kaligtasan ng lahat, dalangin ni Bishop Alarcon

 1,353 total views

 1,353 total views Ipinapanalangin ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ang kaligtasan ng lahat mula sa pananalasa ng Bagyong Paeng. Ayon sa Obispo, bukod sa paghahanda ay mahalaga rin ang pananalangin upang ipag-adya ng Panginoon ang bawat isa mula sa anumang pinsala na maaring idulot ng bagyo. Pagbabahagi ni Bishop Alarcon, ang pananalangin para sa kaligtasan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Nueva Caceres, nakahanda na sa Bagyong Paeng

 1,358 total views

 1,358 total views Tiniyak ng Archdiocese of Caceres ang ginagawang paghahanda ng Simbahan mula sa banta ng Bagyong Paeng. Ayon kay Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, pinangungunahan ng Social Action Center ng arkidiyosesis sa pamamagitan ng Caritas Caceres ang paghahanda sa para sa posibilidad ng pananalasa ng bagyong Paeng sa lugar. Ibihagi ng Arsobispo na pinangangasiwaan

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Pagmalasakitan ang mga apektado ng lindol sa Northern Luzon, panawagan ng Caritas Philippines

 1,592 total views

 1,592 total views Ipagpatuloy ang pagmamalasakit at pag-aalay sa kapwa. Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – national director ng Caritas Philippines para sa mga naapektuhan ng 7.3-magnitude na lindol sa Abra noong ika-27 ng Hulyo, 2022. Ayon sa Obispo, higit na kinakailangan ngayon ng tulong ng mga biktima ng lindol partikular na

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nakikipagtulungan sa Caritas Philippines para sa mga apektado ng lindol sa Ilocos region

 1,337 total views

 1,337 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pakikiisa at pananalangin sa lahat ng mga naapektuhan ng 7.3-magnitude na lindol sa lalawigan ng Abra noong ika-27 Hulyo, 2022. Dasal ni Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Raymond Daniel Cruz, Jr. na nasa maayos at ligtas na kalagayan na ang mga mamamayan sa mga lugar na

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bishop Mercado, nanawagan ng pagbabayanihan sa panahon ng kalamidad

 1,130 total views

 1,130 total views Maging instrumento ng pagtulong ng Diyos para sa mga nangangailangan at naghihikahos ngayong panahon ng pandemya at mga kalamidad. Ito ang panawagan Diocese of Parañaque Bishop Jesse Mercado sa bawat isa sa gitna ng pagharap ng mamamayan sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic na higit pang pinalala ng sama ng panahon na

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Malakas na lindol sa Mindanao, muling nagdulot ng pangamba sa mga taga-South Cotabato

 1,578 total views

 1,578 total views Bagama’t naramdaman ang pagyanig, wala namang malubhang pinsala na tinamo sa Diocese of Kidapawan sa South Cotabato. Ito ay kasunod ng 7.1-magnitude na lindol na natagpuan ang sentro sa bayan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental. Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, naitala sa intensity III ang naramdaman sa kabisera ng South

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Tuguegarao, nagpapasalamat sa suporta ni Pope Francis

 1,112 total views

 1,112 total views Umaapela ang Archdiocese of Tuguegarao ng panalangin para sa lahat ng mga nasalanta ng malawakang pagbaha sa Cagayan kasunod ng mga bagyo na nanalasa sa bansa. Ayon kay Rev. Fr. Andres Semana Jr. – Social Action Director ng arkidiyosesis, higit na kinakailangan ng mga binaha ng sama-samang panalangin upang magkaroon ng pag-asang makabangon.

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mensahe ng pakikiisa ni Pope Francis, magbibigay pag-asa sa mga sinalanta ng kalamidad

 2,596 total views

 2,596 total views Nagpahayag ng kagalakan ang Diocese of Daet sa pagpapaabot ng personal na pakikiisa at panalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco sa mga biktima ng magkakasunod na bagyo sa bansa. Ayon kay Daet Bishop Rex Andrew Alarcon, chairman ng CBCP-ECY, pag-asa at katiyakan ng pagmahahal ng Panginoon sa gitna ng mga pagsubok at hamon na

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Diocese of Ilagan, sasaklolo sa mga binaha sa Archdiocese of Tuguegarao

 2,617 total views

 2,617 total views Nagpahayag ng suporta at pakikiisa ang Diocese of Ilagan sa mga apektadong residente ng malawakang pagbaha sa lalawigan ng Cagayan. Ayon kay Rev. Fr. Carlito Sarte, Social Action Director ng diyosesis, handa ang mamamayan at parokya ng Diocese of Iligan na magbigay ng tulong sa mga biktima ng pagbaha partikular na sa Archdiocese

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top