Diocese of Imus, binuksan ang mga simbahan para sa Taal evacuees

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 710 total reads

Hinimok ni Diocese of Imus Bishop Reynaldo Evangelista, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs ang bawat isa na sama-samang ipanalangin ang kaligtasan ng lahat sa gitna ng pagsabog ng bulkang Taal.

Ayon kay Bishop Evangelista, nakahanda ang Diyosesis ng Imus, Cavite na tanggapin ang mga mangangailangan ng pansamantalang matutuluyan mula sa epekto ng bulkan.

“Mag-ingat lahat at magdasal tayo pare-pareho para sa kaligtasan ng lahat ng mga tao lalo na yung mamalalapit doon sa Taal Volcano, yun ang ating ipagdasal.. Open naman ang diocese handa naman tayo sa mga ganitong panahon, talaga namang dapat tanggapin ang mga kasamaan natin at mga affected na mga communities…” pahayag ni Bishop Evangelista sa panayam sa Radyo Veritas.

Ibinahagi naman ng Obispo na maging ang Imus, Cavite ay apektado rin ng ash fall mula sa pagsabog ng Bulkang Taal bagamat hindi naman kinakailangang ilikas ang mga residente sa kanilang lugar.

Pinapayuhan ni Bishop Evangelista ang mga residente na makabubuting manatili sa kanilang tahanan at sumunod sa mga paalala at tagubilin ng Department of Health at ng lokal na pamahalaan upang manatiling ligtas mula sa masamang epekto ng ash fall sa kalusugan.

“Dito meron din may ash fall, well hindi naman kinakailangang ilikas ang mga tao dahil sa ash fall sa totoo lang at wala namang ibang mapupuntahan na walang ash fall. Kung walang pagdadalhan ng tao para ma-prevent yung ash fall ang gagawin stay indoors at yun naman ang instructions din ng Department of Health at saka ng ibang mga nasa government…” paalala ni Bishop Evangelista.

Linggo, ika-12 ng Enero ng nagsimula ang phreatic eruption o ang pagbuga ng Bulkang Taal ng abo na walang kasamang magma kung saan batay sa tala ng Philvolcs tinatayang aabot ng 100-metro ang taas ng ibinugang abo ng bulkan.

Sa kasalukuyan umaabot na sa ilang mga karatig lugar sa CALABARZON, Central Luzon at Metro Manila ang ash fall na dulot ng pagsabog ng bulkan.

Nauna na ring nag-alay ng panalangin si Caritas Internationalis President at incoming Prefect for the Congregation of the Evangelizations of Peoples Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at Lipa Archbishop Gilbert Garcia para sa kaligtasan ng lahat ng mga mamamayan na apektado ng pagsabog ng bulkang Taal.

Read:Panalangin, pagtutulungan;
panawagan sa pagliligalig ng bulkang Taal

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 41,144 total reads

 41,144 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 121,152 total reads

 121,152 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 154,599 total reads

 154,599 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 189,898 total reads

 189,898 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 414,870 total reads

 414,870 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top