Kabataang Filipino, hinahamon ng Simbahan na pangunahan ang “dialogue for peace”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 677 total reads

Hinimok ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga kabataan na paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa kapwa tungo sa mas nagkakaisang pamayanan.

Ayon sa Obispo, malaki ang gampanin ng kabataan sa pagkamit ng pagkakaisa at kapayapaan sa pamamagitan ng pakikipag-usap maging iba man ang pananaw at pananampalatayang kinagisnan ng kapwa.

“Ang hamon sa kabataan ay to communicate or to have a dialogue maging kung ito man ay sa ibang denominasyon,” pahayag ni Bishop Gaa sa Radio Veritas.

Binigyang pansin ng Obispo ang kawalan ng sapat na pakikipagdiyalogo sa lipunan lalo na ng mga kabataan na dahilan ng hindi pagkakaunawaan na kadalasang humahantong sa karahasan.

Ang mensahe ni Bishop Gaa ay kasabay ng pagdiriwang ng ika – 25 anibersaryo ng mga volunteers ng diyosesis sa makasaysayang World Youth Day noong 1995 na pinangunahan ni Saint John Paul II.

Ang nasabing pagtitipon ay itinuturing na pinakamalaking pagtitipon sa buong mundo kung saan mahigit sa limang milyon ang mga mananampalatayang dumalo sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya sa Luneta.

Pinuna ni Bishop Gaa ang pagkahumaling ng kabataan sa gadget na isa sa mga maituturing na sanhi ng kawalang interes sa pakikipagdiyalogo tungo sa mapayapang lipunan.

Sa Pilipinas, tinututukan ng simbahan ang ikawalong paksa sa siyam na taong paghahanda sa ikalimang sentenaryo kung saan ngayong taon ay itinalaga para sa ‘Year of Ecumenism, Inter-religious Dialouge and Indigenous People sa temang Dialogue towards harmony.’

“Ang kabataan ngayon ay kulang sa dialogue, ang dialogue nila ay nasa gadget, siguro mas maganda isantabi muna natin ang gadget,”panawagan ni Bishop Gaa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 5,510 total reads

 5,510 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 40,801 total reads

 40,801 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 77,285 total reads

 77,285 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 95,496 total reads

 95,496 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 179,540 total reads

 179,540 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top