Arsobispo ng Lipa Batangas, nananawagan ng dasal at tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 928 total reads

Nananawagan ng dasal si Lipa Batangas Archbishop Gilbert Garcera, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Family and Life para sa kaligtasan ng mga mamamayang apektado sa pagligalig ng bulkang Taal.

Ayon sa Arsobispo, higit na kinakailangan ngayon ang tulong ng Diyos upang matigil ang aktibidad ng bulkan na pinangangambahang tuluyang sumabog.

“Ipagdasal niyo kami, hari nawa sa tulong ng Panginoon ay mahinto na ang pagbuga ng abo dito sa bulkang Taal,” pahayag ni Archbishop Garcera sa Radio Veritas.

Binuksan na ng Arkidiyosesis ang mga simbahan upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga lumikas na residente.

Ibinahagi ni Archbishop Garcera na humigit-kumulang na tatlong libong indibidwal ang kinalinga ng arkidiyosesis simula ika – 12 ng Enero na kinabibilangan ng mga senior citizens, Person With Disabilities, mga buntis at mga kabataan na mula sa Calawit Batangas na malapit sa crater ng bulkan.

Bukod sa dasal, umaapela rin ng tulong ang Arsobispo para sa mga pangangailangan ng lumikas na residente tulad ng pagkain at tubig.

“Hinihingi po namin ang tulong ninyo maliban sa dasal ay ang inyong pinansyal na tulong o kaya’y in kind donations ninyo dito sa Archdiocese of Lipa,” panawagan ng Arsobispo.

Binabalaan naman ni Archbishop Garcera ang publiko na maging maingat sa mga mapagsamantala na gamitin ang pagkakataon upang manloko ng kapwa na tutugon sa pangangailangan ng evacuues.

Sa mga nais magpaabot ng tulong makipag-ugnayan lamang sa mga numerong (043) 404-8057, 09255595968, 09175089701, at 09177045064.

Maari ding ipadala ang tulong sa Caritas Manila, Savings Account Name: Caritas Manila, Inc.
Banco De Oro – Savings Account No.: 5600-45905

Bank of the Philippine Islands – Savings Account No.: 3063-5357-01
Metrobank – Savings Account No.: 175-3-17506954-3

For dollar accounts:
Bank of the Philippine Islands – Savings Account No. 3064-0033-55
Swift Code – BOPIPHMM

Philippine National Bank – Savings Account No. 10-856-660002-5
Swift Code – PNBMPHMM

Maari ding ipadala ang donasyon sa Caritas Manila sa pamamagitan ng Cebuana Lhuillier na free of charge.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 40,132 total reads

 40,132 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 120,170 total reads

 120,170 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 153,618 total reads

 153,618 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 188,916 total reads

 188,916 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 413,926 total reads

 413,926 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top