Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Archdiocese of Nueva Segovia, nagsagawa ng malawakang pagtulong sa mga biktima ng lindol

SHARE THE TRUTH

 2,809 total views

Pinaigting ng Archdiocese of Nueva Segovia ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong mamamayan ng Ilocos Sur dulot ng 7.3 magnitude na lindol.

Ayon kay Archbishop Marlo Peralta bagamat may ilang simbahan at heritage site ang napinsala sa lugar ipinagpasalamat ng arsobispo sa Panginoon na walang lubhang nasaktan at nasawi sa lalawigan.

Pagbabahagi ng arsobispo na puspusan ang pagkilos ng Social Action Center ng arkidiyosesis sa paghahatid ng pangunahing pangangailangan ng mamamayan lalo na ang mga pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers.

“Sa awa ng Diyos wala namang seryosong nasaktan at walang fatality dito sa Archdiocese [Nueva Segovia] kaya ang inaasikaso ngayon ang pagtulong ng SAC [Social Action Center] sa mga nangangailangan,” pahayag ni Archbishop Peralta sa panayam ng Radio Veritas.

Matatandaang napinsala ng malakas na pagyanig ang tanyag na Vigan Cathedral, St. John the Baptist Church, at iba pang lumang makasaysayang gusali sa Ilocos Sur.

Agad na kumilos ang Caritas Philippines sa paghahatid ng tulong sa mga apektadong komunidad sa Northern Luzon habang patuloy ang pagtulong ng iba’t ibang diyosesis para sa relief operation.

Kasalukuyang nasa Cordillera Administrative Region at Ilocos region ang Caritas Manila at Radio Veritas para maghatid ng tulong tulad ng tent, banig, kumot, medical at hygiene kits para sa mga residente lalo na ang nagsilikas.

Una nang tiniyak ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Fr. Anton Pascual ang pag-agapay sa mga biktima ng lindol para makabangon sa trahedya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kaunlarang may katarungan

 61,499 total views

 61,499 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 85,284 total views

 85,284 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 97,519 total views

 97,519 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 282,960 total views

 282,960 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 312,829 total views

 312,829 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Hayuma, inilunsad ng Caritas Philippines

 47,886 total views

 47,886 total views Binigyang-diin ng mga lider ng simbahan ang pangangailangang suriin at palalimin ang pagtugon ng Simbahan sa panawagan ng Laudato Si’ makalipas ang isang

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top