Panalangin, pagtutulungan;
panawagan sa pagliligalig ng bulkang Taal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 577 total views

Inaanyayahan ni incoming Prefect for the Congregation of the Evangelizations of Peoples, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang lahat para sa kaligtasan ng mamamayan lalu na ang mga naapektuhan ng pagliligalig ng Bulkang Taal.

Hiling ni Cardinal Tagle sa Panginoon ang ibayong kalinga na matulungan sa pagharap ng kasalukuyang pagsubok bunsod ng natural na kalamidad na idinudulot ng bulkan.

Ayon pa kay Cardinal Tagle, tanging ang Diyos ang may kakayanan upang pahupain ang bulkan na kasalukyang patuloy sa pagbubuga ng abo na umaabot na sa mga karatig lalawigan.

Higit na inaalala ng Cardinal ang kaligtasan ng mga matatanda, may karamdaman at iba pang nangangailangan ng pagkalinga upang maging ligtas sa sakuna at kapahamakan dulot ng aktibidad ng bulkang Taal.

Batay sa tala ng Philvocs, nakataas sa alert level 4 o lubhang mapanganib ang kalagayan ng bulkan at malaki ang banta ng malakas na pagsabog dahil sa mga ikinikilos nito sa kasalukuyan kaya’t mariin ang paalala nito sa publiko na lumikas at patuloy na maging handa sakaling sumabog ito.

Nanawagan din si Cardinal Tagle sa mamamayan na nawa’y nakahanda itong lumingap sa pangangailangan ng mga apektadong residente at maging ang pangangalaga sa kalikasan na bahagi ng likha ng Poong Maykapal.

PANALANGIN
Dios na makapangyarihan, muling kaming humaharap sa pagsubok dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Napakaliit namin upang harapin ang lakas ng bulkan.

Subalit naniniwala kaming mapapahupa ng Iyong kamay ang bangis nito. Iligtas mo po kami sa kapahamakan, lalo na ang mga mahihirap, may karamdaman, mga bata at nakatatanda at nag-iisa.

Paigtingin mo rin sa amin ang pagdadamayan, pagmamalasakit at pangangalaga sa kapwa at kalikasan. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo, Amen.

Maria, Ina ng Awa, ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Jose, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 186,161 total views

 186,161 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 216,383 total views

 216,383 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 243,029 total views

 243,029 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 338,002 total views

 338,002 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 346,951 total views

 346,951 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top