Pagpapahalaga sa sakramento ng binyag, pinangunahan ng Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 635 total views

Ang mga binyagang Katoliko ay hindi na lamang anak ng tao kun’di anak na ng Diyos

Ito ang binigyang diin ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Jr. matapos pangunahan ang pagbibinyag sa labindalawang sanggol na mula sa iba’t ibang komunidad ng maralitang taga-lungsod sa Metro Manila.

Hinimok ng Obispo ang mga magulang, ninong at ninang na alagaan ang mga bata dahil sa oras na sila ay mabinyagan ay nagiging anak na sila ng Diyos at kapatid ni Hesus.

Ipinaalala din niya na hindi sapat ang mga pisikal na pangangailangan ng tao upang masabing maayos na naaalagaan ang mga bata.

Binigyang diin ng Obispo na kinakailangang mapatnubayan ang espirituwalidad ng mga bata habang sila ay pinalalaki.

“Sa pagpapalaki sa kanila, hindi sapat ang gatas o kanin at ulam, ang kinakailangan ay ang mabuting balta ng ating panginoong Hesukristo ang ebanghelyo at ang inyong mabuting halimbawa at panalangin.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani.

Enero 12, 2020, inilunsad ng Radyo Veritas ang Holy Birthday Campaign kasabay ng Solemnity of the Lord’s Baptism sa pakikipagtulungan sa Minor Basilica of the Black Nazarene o St. John the Baptist Parish na kilala sa tawag na Quiapo Church.

Layunin nito na mapalalim ang pagpapahalaga ng mga mananampalataya sa kasagraduhan ng sakramento ng binyag at maihanda rin ang bawat katoliko sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Batay sa Veritas Truth Survey 57% lamang ng mga Pilipinong Katoliko ang nakaaalam ng araw ng kanilang binyag habang 32% ang hindi alam ang kanilang Baptismal Day at 11% naman ang hindi sigurado sa petsa ng kanilang binyag.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 187,285 total views

 187,285 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 217,507 total views

 217,507 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 244,153 total views

 244,153 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 339,126 total views

 339,126 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 348,005 total views

 348,005 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 346,201 total views

 346,201 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top