Holy birth day, inilunsad sa paggunita ng Solemnity of the Baptism of Our Lord

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 443 total reads

Opisyal nang inilunsad ng himpilan ng Radio Veritas ang programang HOLY BIRTH Day upang buksan ang kamalayan ng bawat isa sa kahalagahan ng sakramento ng binyag.

Layunin ng programa na mahikayat ang bawat mamamayan na bigyang halaga at alalahanin ang araw ng kanilang binyag na araw ng pagtatalaga sa pakikiisa sa Panginoon.

Batay sa isinagawang nationwide Veritas Truth Survey (VTS) lumabas na tangging 57% lamang o katumbas ng mahigit sa kalahati ng kabuuang bilang ng mga binyagang Katoliko ang may alam ng petsa o araw ng kanilang binyag; 32% ang hindi alam ang kanilang Baptismal Day habang 11% naman ang hindi sigurado sa petsa ng kanilang binyag.

Isinagawa ang pormal na paglulunsad ng programang HOLY BIRTH Day sa pamamagitan ng pagkakaloob ng sakramento ng binyag sa Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church kasabay ng paggunita sa Solemnity of the Baptism of Our Lord.

Pinangunahan ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. at Rev. Fr. Anton CT Pascual na Pangulo ng Radyo Veritas at Executive Director ng Caritas Manila ang pagkakaloob ng sakramento ng binyag sa 12 sanggol mula sa iba’t ibang komunidad ng maralitang taga-lungsod sa Metro Manila kung saan nagsilbing ninong at ninang ang ilang mga personalidad mula sa entertainment and sports industry kabilang na ang Papal Awardee at kilalang komedyante na si Ms. Ai-ai Delas Alas.

Matatandaang una ng naganap ang soft launching ng programa kasabay ng isinagawang Binyagang Bayan sa Manila Cathedral sa pangunguna ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle noong Setyembre ng nakalipas na taon 2019 na inisyatibo ng Tulay ng Kabataan Foundation.

Nauna ng binigyang diin ni Cardinal Tagle na walang katumbas na halaga ang mga sakramento kaya’t hindi maaring gamiting dahilan ang pagiging mahirap upang hindi makatanggap ng mga sakramento partikular na ang sakramento ng binyag.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 2,173 total reads

 2,173 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 37,674 total reads

 37,674 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 74,158 total reads

 74,158 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 92,369 total reads

 92,369 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 176,605 total reads

 176,605 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,639 total reads

 38,639 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top