Ipagpatuloy ang paghahanap sa 40 Filipino seafarers sa lumubog na barko sa Japan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,209 total reads

Umaapela ang Apostleship of the Seas-Stella Maris Philippines sa pamunuan at may-ari ng Gulf Livestock 1, ang barkong lumubog sa Japan nitong Setyembre na ipagpatuloy ang paghahanap sa mga kawani ng barko na karamihan ay mga Filipino.

Sa pahayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos, CBCP Bishop-Promoter ng Apostleship of the Seas-Stella Maris Philippines, dapat pangunahan ng Gulf Navigation Holdings ang paghahanap sa nalalabing 40 kawani ng barko na nawawala pa mula nang lumubog ang barko noong ikalawa ng Setyembre.

“We are making a direct and strong appeal to the ship owner GULF NAVIGATION HOLDING to resume the searching and support their respective families in every possible way,” pahayag ni Bishop Santos.

Ang panawagan ng obispo na siya ring vice chairman ng migrants ministry ng CBCP ay kaugnay na rin sa pagdiriwang ng National Maritime Week at National Seafarers’ Day sa ika – 27 ng buwan.

Dahil dito hinimok ni Bishop Santos ang mananampalataya na alalahanin at ipagdasal ang 40 iba pang seafarers na nawawala pa rin lalo’t higit ang kanilang pamilya.

“We continue to pray that others may have somehow survived this tragic incident. Our thoughts and heartfelt empathy go out to all the family members and friends who are anticipating good news at home,” dagdag pa ng obispo.

Matatandaang inihinto ang search and rescue operations sa lumubog na barko dahil na rin sa masamang panahon samantalang 3 dito ang nahanap na, 2 ang ligtas habang isa ang nasawi na kapwa Filipino.

Nanawagan din ang opisyal ng CBCP sa pamahalaan na tumulong na sa paghahanap at makipag-ugnayan sa mga karatig bansa upang maibsan ang lungkot na naramdaman ng mga pamilya.

“We are making an urgent appeal to the Philippine Government to extend any assistance and/or to act on behalf of the heartbroken families to request the neighboring countries in conducting search and rescue within their scope of waters and islands,” ayon pa ni Bishop Santos.

Mensahe ng obispo sa pamilya ng mga seafarers na manatiling kumapit sa Panginoon at ipagdasal ang bawat isa na maging matatag sa gitna ng hamon na kinakaharap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 48,633 total reads

 48,633 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 135,134 total reads

 135,134 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 178,171 total reads

 178,171 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 227,930 total reads

 227,930 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 386,963 total reads

 386,963 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top