667 total views
Ipinapanalangin ng Diyosesis ng Antipolo ang kapayapaan ng kaluluwa ni Reverend Father Nomer de Lumen na pumanaw nitong ikasiyam ng Setyembre,2020.
Sa pahayag ni Antipolo Bishop Francisco De Leon sa Radio Veritas, ipinagdasal din nito ang paghilom ng pamilya ng pari.
Pinaalalahanan din ng Obispo ang bawat isa na patuloy magtiwala at manalangin sa Diyos.
“The laity & clergy of the Diocese of Antipolo continue to pray for repose of the soul of Fr. Nomer & for the healing of his family! St. Padre Pio said ‘Pray, hope, don’t worry. Worry is useless,” pahayag ni Bishop de Leon sa Radio Veritas.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pagkamatay ni Fr. de Lumen na tumatayong Social Communications Ministry (SOcCOM) director ng Diocese of Antipolo.
Labis ikinalungkot ng mananampalataya ng Antipolo ang nangyari sa pari partikular na ang parishioners ng St. John the Baptist Parish sa Taytay Rizal kung saan parochial vicar si Fr. de Lumen.
Ika – 11 ng Setyembre ng ihatid sa huling hantungan ang pari sa Tanay Rizal.
Una nang nanawagan si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa kapwa obispo na paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa mga pari na hindi rin ligtas sa depresyon lalo’t nalilimitahan ang pagsasagawa ng kanilang mga pastoral activities dahil sa ipinatupad na community quarantine.