Cardinal Tagle, ligtas na mula sa Covid-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,295 total reads

September 24, 2020-7:00am

Ganap nang ligtas mula sa panganib na dulot ng Novel Coronavirus ang Kaniyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle.

Ito ng kinumpirma ni Fr. Gregory Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filipino at Pastoral Care of Overseas Filipino Workers sa Italya makaraan na ring sumailalim sa swab test at nagnegatibo ang resulta ng dating arsobispo ng Maynila na kasalukuyang nasa Pilipinas.

“Cardinal Tagle’s negative result for the swab test is indeed a great joy for the whole Church. God wants him to continue serving in the Vatican’s office for the Missions, to bring God’s Good News of love, joy, peace, justice, forgiveness and reconciliation — all of which the world needs in a special way these days,” ayon sa pahayag ni Fr. Gaston.

Ikinagagalak din ng Collegio Filipino ang balita na magaling na si Cardinal Tagle kung saan siya naninirahan simula nang magtungo sa Roma para gampanan ang mga tungkuling iniatang ng Santo Papa Francisco.

Una na ring inihayag ni Fr. Gaston na unti-unti ng nagbabalik trabaho ang mga Filipino at pagbubukas ng turismo sa Italya.

“We wish him all the best in his short visit to the Philippines, to rest a bit and be with his family back home,” dagdag pa ni Fr. Gaston.

Bago itinalaga ni Pope Francis bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples’ una na ring itinalaga si Cardinal Tagle bilang pangulo ng Caritas Internationalis.

Si Cardinal Tagle ang kauna-unahang pinuno ng Roman curia na nahawaan ng Covid-19.

Sa Pilipinas, apat na obispo ang nahawaan ng sakit kung saan una na ring gumaling mula sa karamdaman sina Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo at Kalookan Bishop-emeritus Deogracias Iniguez.

Namayapa naman dahil sa kumplikasyon dulot ng Covid-19 sina Lingayen-Dagupan Archbishop-emeritus Oscar Cruz at Imus-Bishop Emeritus Manuel Sobreviñas.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 8,372 total reads

 8,372 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 150,864 total reads

 150,864 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 185,542 total reads

 185,542 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 203,168 total reads

 203,168 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 239,653 total reads

 239,653 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 249,081 total reads

 249,081 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top